Writer's Note: Character portrait of Carley (courtesy by ZenRoxen_Boy) on the multimedia section.
"Narito ang palad ko, handang dumamay kung kailangan mo"
-Rey Valera (Kung
Kailangan Mo Ako)ᴘᴀɢᴋᴀʀᴀᴛɪɴɢ ɴᴀ ᴘᴀɢᴋᴀʀᴀᴛɪɴɢ namin sa tapat ng malaking bahay ng kaklase ni Carley ay narinig na namin ang malakas na tugtugan sa labas. Kasabay noon ay ang mga iba't ibang boses ng mga taong nagkekuwentuhan, naghihiyawan, at nagsisigawan.
"Umuwi na lang kaya tayo?" nagdadalawang-isip na tanong ko kay Carley, hindi sigurado sa pupuntahan namin.
Umiling naman si Carley. "Ano ka ba, Ephi? Nandito na tayo! Tara na't i-enjoy na lang natin ang gabing ito, okay?"
Nag-doorbell siya at pagkabukas ng pinto ay kaagad naman kaming sinalubong ng isang lalaking may hawak na red na plastic cup. "Carley!" sigaw pa nito habang itinataas ang kamay na parang tuwang-tuwa na nakarating itong kaibigan ko. Mayamaya ay tinignan niya ako. "O? Sino ito?" may pagtuturo niya pang tanong sa akin.
"Si Ephi, kaibigan ko from HUMSS," pagpapakilala sa'kin ni Carley sa lalaki. "Okay lang ba sumama siya? Nahihiya kasi ako kung mag-isa lang akong pupunta."
"Ohh sure! Sure!" sagot naman ng lalaki habang tumatango-tango. " Di ba sinabi ko rin naman na mag-invite kayo ng friends niyo? The more, the merrier! Tara na, pasok na kayo!"
Napangiti si Carley at pagkatapos ay tinignan na ako bago kami pumasok. Nang makarating kami sa garahe ng mansiyon ay hinarap ako ng lalaki. "Ephi, 'di ba? Jeremy nga pala, host nitong party na ito. Feel free to roam around and meet people. I'm sure, nandito din ibang classmates mo."
"Sige, gawin ko iyan," medyo nahihiya ko pang sabi pero nginitian ko lang siya.
"Anyway, iwanan ko muna kayo diyan dahil kailangan ko pa i-entertain ang ibang bisita. Basta enjoy lang and party hard!" Itinuro niya pa kami gamit ang dalawang kamay niya bago umalis.
Doon ay nagsimula kong tinignan ang paligid. Sa garden na may swimming pool ginanap ang party nila. Ilan sa mga guest ay nasa pool, nagsi-swimming at naglalaro. Ang iba naman ay nasa gilid, nakaupo sa mga iilang upuan doon, may hawak-hawak na plastic cups habang nagkekwentuhan. Sinubukan kong ilibot ang tingin ko para tumingin ng mga kakilala pero wala akong makitang pamilyar na mukha.
Nagsimula kaming maglakad ni Carley papunta sa garden nang salubugin kami ng isang babae na hindi namin kakilala parehas. "Gusto niyong drinks? Tara! Samahan niyo ako!"
"Ay, hindi na," kaagad kong pagtanggi at iwinagayway pa ang kamay ko. "Bawal kaming uminom ng alak."
"Alak?" Natawa naman ang babae sa sinabi ko. Hindi ba alak iyong ino-offer niya? "Don't worry! Iced tea lang itong drinks! Bawal pa raw kasi uminom, sabi ng parents ni Jeremy." Pagkatapos ay bahagya siyang lumapit sa amin. "Pero kung gusto niyong alcohol, mayroon doon under sa kitchen counter." Natawa naman siya pagkatapos. Hindi ko tuloy alam kung nagbibiro lang ba siya o hindi.
Pinagkuha niya na kami ng iced tea at pagkatapos ay kaagad na iniwanan. Niyaya naman ako ni Carley na mag-ikot ikot sa garden, tinignan kung mayroon kaming mga kakilala pero ilang sandali pa ay may isang lalaki na lumapit sa'min na tingin ko ay kaklase ni Carley.
"Carley!" malakas na sigaw nito at pagkatapos ay tinignan ako. "Wait lang, bro, a? Hiramin lang namin itong kasama mo!" Ibinaling niya ang tingin niya kay Carley. "Tara! Nandoon iyong mga classmates natin!"
BINABASA MO ANG
Rehashed [First draft]
Romance"Walang kinikilalang kasarian ang pagmamahal." Date posted: December 18, 2020 Edited on: XXX