-
' Bulaklak para sayo'
' Nandito lang ako para sayo '
' Hindi kita iiwan '
' Pangakong aalagaan at hindi kita sasaktan '
Kay sarap sa pakiramdam ang laging mong pagaalaga at pagaaruga sa akin, sa araw araw na may dala ka ng bulaklak bago ako pumasok sa trabaho. At sa araw araw na pinapadama mo sa akin na espesyal ako .
Hindi ko alam kung ano ba tayo o kung may meron ba tayo hindi ko matanong dahil natatakot ako kasi baka mali ang pagkakaintindi ko sa ginagawa mo na baka wala ka talagang nararamdaman sa akin kasi ako meron akong nararamdaman sayo.
Nilalasap ko na lang ang masasayang ginagawa mo sa akin wala na siguro akong mahihiling pa , at naramdamang normal akong tao ulit kasi pinaramdam mo sa akin iyon.
Na lalaki ako pero may dalwang organ dahil pwede akong makapag produce ng sperm cell at egg cell , hindi ko matanggap kung bakit ganito ako abnormal ba ako dahil may sakit akong ganito pero ngayong dumating ka sa buhay ko ... nawala lahat ng agam agam ko ng dahil sayo.Tinanggap mo ako kung ano ako hindi mo ako hinusgahan gaya ng iba kasi ganito ako eh abnormal , pinaparamdam mo sa akin na hindi ako abnormal na tao na wala akong kakaibang karamdaman kaya nga di ko maiwasang mahulog sayo eh... sana pareho tayo ng nararamdaman
Ngunit isang malaking sana pala iyon ...
Nakakawasak ng puso at nakakasakit ng damdamin ang aking nalaman na hindi mo man lang ako tinuring na kaibigan man lang o na kahit na isang tao rin bagkus ako'y isang eksperimento lamang pala ako sayo
Sa mga ginawa mo sa akin wala lang pala iyon
Sa lahat ng malasakit mo sa akin isang kasinungalingan lang din pala iyon
At sa pagaaruga at pagpapasaya sa akin parte lang ito ng plano moIkaw yung taong akala ko tatanggap sa akin
Ikaw yung taong akala ko masasagot na ang katanungan ko kung bakit ganito ako
At ikaw yung tao na makakasama ko habang buhay pero akala ko lamang iyonDahil sa pagtrato mo sa akin na isa lang akong 'specimen' sayo...