(4) No title

1 0 0
                                    

-

' akin sya pare '

' wag ka ng manggulo ano ba '

' anniversary namin ngayon kaya wag ka ng manggulo '

' ako ang una sa kanya eh '

' tama na please lang wala ng tayo '

Nandito kami sa restaurant ng mga kaibigan ko at nakasaksi kami ng ganitong sinaryo , mukhang pinagpalit ng babae yung lalaki pero hindi rin naman natin alam kung anong side nung babae eh.

" kawawa naman yung lalaki oh mukhang pinababayaan yung sarili nya dahil dun sa babae " komento ng isang ginang katabi ng table namin , " pinagpalit ata kasi mas mayaman yung isang lalaki eh " komento pa ng isang lalaki .

Napailing na lang ako sa mga narinig , makapag husga akala mo naman alam nila yung totoong nangyari . Mga tao nga naman ngayon magkokomento at mag kakalat ng tsismis kahit hindi naman alam ang totoo .

Nilapitan na sila ng isang waiter at pinagsabihan ata sila , pero hindi nagpaawat ang dalwang lalaki kahit na hinihila na silang dalwa palabas ng babae , nakikita mo sa mukha ng babae ang kahihiyan dahil sa nangyari .
Mukhang lasing ang sumugod na lalaki dahil sa postura nito , napatayo na lang ako ng bumagsak ito hindi ko na pinansin ang mga kaibigan ko at hindi ko na rin napagilan ang aking sarili na lapitan ito . Tinulungan ko syang tumayo .

Timingin ako sa babaeng nasa harap ko gulat ang rumehistro sa mukha nya , humingi ako nangtawad dahil sa nagawa ni jacob lasing na lasing ito tumingin ako sa mga kaibigan ko at tango lang ang sagot nila .
Inakay ko sya palabas kasama ang isang waiter para alalayan din sya , nasa sasakyan na kami hindi ko mapigilang maawa sa kanya kasi ang laki ng pinagbago nya .

Pasensya na...

Kung hindi dahil sakin sana kayo parin ngayon
Kung hindi dahil sakin sana masaya parin kayo
At kung hindi dahil sakin hindi ka aabot sa punting ito na papabayaan mo na ang sarili mo.

Nagsisisi ako , ako yung may kasalanan kung bakit ganito ka ...

Sana pala hindi na lang kita nakilala
Kasi dahil sakin kung bakit kayo nag hiwalay, ako yung dahilan kaya kayo nagiging miserable ngayon .

Hindi ko naman sinasadya iyon eh at hindi ko rin inaakalang mabubuntis ako dahil lang sa isang pagkakamali ko .

Pasensya na talaga...

My WorkWhere stories live. Discover now