(10) No title

0 0 0
                                    

-

' nakauwi ka na pala '

' kamusta ka na '

' ang laki na ng pinagbago mo '

Nandito lang ako sa tabi hindi na nakikigulo sa kanila , kakauwi lang ni ate galing london hindi pa sure kung kailan ang alis nya papunta sa london dahil maganda daw ang presentation na ginawa nya kaya pinagleave muna sya ng boss nya.

Katext ko lang ang boyfriend ko habang sila ay nag kakasiyahan duon , tinawag ako ni mama ngunit umiling lang ako sa kanya napa buntong hininga na lang sya .

Alam na nya ang dahilan kung bakit napailing na lang sya at nakihalubilo na lang sa kanila. Habang katext ko si vins ay may lumapit sa akin hindi ko na sya binigyan ng pansin kasi kilala ko naman kung sino sya.

May binigay sya saking nakabalot na bag pero pinag walang bahala ko na lang ito at tinuloy na lang ang pag text . Narinig ko syang bumuntong hininga at nilagay na lang sa tabi ko ang binibigay nya at umalis na.

Sa hapag kainan nagkwekwentuhan sila kung anong nangyari kay ate sa london at masaya namang kwinento nito ang naging buhay nya don.

Kumakain lang ako ng tinanong ako ni mama kung namiss ko daw si ate huminga ako ng malalim at binaba ang kubyertos, nawalan na ako ng gana .

Tumayo ako " busog na ho ako " , natahimik sila alam naman nila na hindi kami ayos ni ate pero parang hindi nila alam yun.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magjogging nakasabay ko si ate pababa ng hagdan imbis na batiin ay binilisan ko pa ang pag baba . Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin at mabilis ng lumabas ng bahay.

3 linggo ganun parati ang aking gawi iiwas sa kanya na parang wala sya sa bahay , isang araw nagyaya si vins mag date kaya todo ayos ako kasi minsan lang naman syang mag yaya.

Ilang oras ay bumaba na ako dahil nandun na daw sya pag baba ko ay sumama agad ang aking timpla , na wala ang aking pag ka sabik ng nakita kong mag kausap sila ate at vins may ngiti sa kanilang labi .

Tumikhim ako dahil hindi ko na gusto ang kanilang pustura mariing nakatitig si vins kay ate , hinila ko na si vins papunta sa kotse nya at iniwan dun si ate hindi na ako nagpaalam sa kanya tutal nag paalam naman na ako kay mama.

Masaya naman ang naging flow ng date namin , hinatid nya ako sa bahay bago ako umalis hinalikan ko muna sya sa labi bilang pasasalamat . Isang pasada ang binigyan nya ng tingin ang aming bahay bago umalis.

Masaya akong pumasok habang dala dala ang bulaklak na bigay nya, nakita ko si ate sa sofa hindi ko na sya binigyan ng pansin at paakyat na ako sa hagdan ng may pumigil sa akin.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya , " anong oras na at ngayon ka lang pinaghintay mo ako ng matagal "
" sinabi ko bang mag hintay ka " pabalang kong ani sa kanya
" ano bang kasalanan ko at ganyan ka ha "
Napasinghap ako " nag tanong ka pa eh alam mo naman "

" tungkol parin ba ito dati? My god angel matagal na yun hindi ka parin nakakamove on"

Dun na sumabog ang galit ko , " matagal ! Oo matagal pero nandto parin sa puso at isip ko yung ginawa nyo "
" ano pa bang pinaglalaban mo ha ! Nasayo na nga sya diba bumalik na sya sayo diba hindi ka parin makamove on"
Napalapakpak ako " oo nga bumalik sya pero nag iba na sya " at unti unti ng tumulo ang pinipigilan kong luha.

" nasakin na nga sya pero wala sakin yung puso nya kase na sayo yun ate"
Hindi sya nakasagot nagulat sya sa sinabi ko ,
" nasakin nga sya pero hindi ko ramdam kasi kinukuha ko yung atensyon nya pero wala parin sakin " napahagulgol na ako ng iyak

" a-angel " naiyak na din si ate , " oo bumalik sya sakin pero sayo pa din yung puso nya , ako yung una sakanya sinulot mo lang naman sya pero ikaw yung mahal na mahal nya kahit na ako yung una ikaw pa din , kahit kay mama at papa ikaw padin yung nangunguna ako ito pinapansin lang pagkailangan nila ako yung second option pag wala ka.... ate pano bang maging ikaw ha pano ba kasi ingit na ingit na ako sayo dati pa kasi kahit na wala ka ikaw parin wala ng iba "

" hindi yan totoo ang- " pinutol ko ang sasabihin nya , tumawa ako ng mapakla " ayun yung totoo at ngayong nagbalik ka nawala ng parang bula yung pagmamahal nila sakin kung meron lalo na si vins...bumalik nga sya sakin kasi umalis ka papuntang london bumalik sya sakin kasi wala syang choice kaya binalikan nya ako at ako naman tong si tanga binigyan sya ng chance kahit na alam kong ikaw parin "

" siguro nga walang papalit sayo sa puso ni vins alam kong pilit lang yung pakikisama nya sakin ramdam ko yun pero hindi ko pinahalata , at ngayon ngang nandito ka na siguro nga kailangan ko ng bumitaw kasi nandyan ka na eh... salamat ate kasi pinahiram mo sya sakin na naging akin sya kahit na ako yung una pero parang ako yung pangalawa salamat..."

My WorkWhere stories live. Discover now