(12) No title

0 0 0
                                    

-

Gabi na at nag mimidsnack na lang kami sila mama nagtatally ng kinita nya ngayon si papa namn nanonood ng basketball , kaming mag kapatid ay nag cecellphone.

Nag uusap sila papa at mama nakikinig lang kami sa kanila ng biniro ni papa si mama na may kabit ito nag katinginan kami ng kapatid ko.

Pinagsawalang bahala na lang namin ito kasi sanay na namn kami kay papa ganun naman sya sanay na dahil lagi nya binibiro si mama na may kabit ito , si mama naman nakikisabay lang sa trip ni papa.

Kinabukasan masaya ang gising naming lahat ganun uli ang gawain aalis si papa para pumunta kila lola para mag tanim para may pang tustos sa pag kain namin araw araw .

Si mama naman ay umaalis at babalik dahil naghahatid ng mga order, may tinitinda si mama online kaya paalis alis si mama, kaming magkapatid naman ay nag gagawa ng gawaing bahay.

Sumapit na ang gabi at ganun na naman sila binibiro na naman ni papa si mama dahil daw may kabit ito , di na namin sila pinapansin nagpokus nalang kami sa ginagawa namin.

Pero nag bago lahat ng naging magulo ang pamilya namin.

Araw araw ng nag aaway si mama at papa minsan nga may dala ng maleta si papa eh natakot kami ng kapatid ko kaya nag simula ng umiyak yung kapatid ko habang ako ay pinapatahan sya habang pinapahid ang luha sa mata ko.

Nagkabati naman sila nung sinundan ni mama si papa nung gabing iyon naging normal naman ulit ang pagsasamahan nila, sana nga mag tuloy tuloy na ito.

Pero hindi yon nangyari nagkatuluyang naghiwalay sila mama at papa habang kami ay nasa poder ni lola at lolo sa side ni papa.

Umiiyak ako ng patago inaalala kung bakit kami humantong sa ganito , sa pagbibiro ni papa kay mama na may kabit ito ay nag katotoo nga ngunit hindi si mama ang may kabit.

Kundi si papa may ibang kinakasama pala ito at tinutustusan ni papa ang kabit nito at anak sa pagkadalaga.

Hindi ko mawari na sa simpleng biruan magiging totoo pala iyon dahil kay papa nawasak ang pamilya namin at dahil kay papa namatay si mama sa depresyon .

My WorkWhere stories live. Discover now