(27) I replace a man to a boy

0 0 0
                                    

I replace a man to a boy

-
Tandang tanda ko pa yung ginagawa mo sakin dati yung pag aalaga at umuusbong na pagmamahal na ibinibigay mo sa akin.
Hinding hindi ko malilimutan yung pag gala natin panonood ng sine at pamamasyal sa parke , masayang alaala diba?

Hatid sundo ayan ang gawain mo, araw araw na saamin ka kulang na lang tumira ka na sa bahay namin, sa panood ng movie tuwing sasapit ang sabado kasama ang kapatid ko .

Aawayin kita tas ikaw todo suyo sakin kahit walang dahilan para awayin kita natitiis mo yung mga kalokohan ko at kakulitan kong taglay , hindi kita nakitang nainis sakin at hindi mo din ako sinisigawan hindi ka man lang nabwibwisit sa mga kalokohan ko sayo.

Ngunit alaala na lang pala iyon , yung masayang memorya natin isa na lang itong tapos na istorya . Dun na natatapos yung istorya nating dalawa kasi ito ako iniwan ka pinagpalait sa iba ang tanga ko diba ?

Iniwan ko yung lalaking dadamayan ako sa lahat ng oras , iniwan ko yung lalaking mahal na mahal ako kahit na madami akong hindi magandang ugali . Iniwan kita sa iba... pinagpalit kita

Pinagpalit kita sa lalaking sasaktan lang pala ako , pinagpalit kita sa lalaking hindi man lang makita yung halaga ko . Pinagpalit kita sa lalaking walang ibang ginawa kung di ang paasahin at iwan sa ere dahil sa bawat matatamis nyang salita ay hindi nya man lang magawa gawa.

At ito ako ngayon nagdurusa at nagsisisi sa aking ginawa , sana may tyansa pa ako sayo sana meron pang pag asang mabalik ko yung may tayo .

Ngunit huli na ang lahat...

Tinatanaw ka sa malayo kasama ang asawa't anak mo , sana hinintay mo ako pero ako pala yung may kasalanan dahil nung nagmamakaawa ka sakin na huwag kitang iwan hindi man lang kita pinakinggan.

Kaya ito ako ngayon umaasa at inaalala ang ating pag sasama , nagsisisi na sana hindi na lang kita pinagpalit sa iba . Sa iba na walang ginawa para pasayahin ako pinaiyak lang ako sa sakit at lungkot .

Kaya ito ako nagiisa at walang kasama ' cause i replace a man to a boy'

My WorkWhere stories live. Discover now