-
' ang sweet talaga nila '
' walang kupas '
' ang cute nilang couple '
' sanaol '
Ayan yung palagi naming naririnig tuwing magkasama kami ng kasintahang kong si hugo , hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa mga compliment nila para saming dalawa .
Mag kahawak kamay kaming naglalakad sa amusement park , 3rd anniversary namin ngayon ni hon kaya sinecelebrate namin ito nakacouple tshirt kaming dalawa at may hawak naman akong teddy bear at bulaklak.
Hindi sya namimintis sa pag bibigay sa akin ng regalo o kung ano man, pinapatigil ko nga sya kasi para naman makapagipon sya para sa sariling pangangailangan nya . Pero ayaw nya paawat sabi nya hayaan ko na lang daw sya sapat na daw sa kanya na makita akong masaya at nakangiti.
Masaya sa pakiramdam na maunawa at hindi mapride yung kasintahan mo , kahit na may away at tampuhan kami eh hindi nya pinapalipas ng araw . Gabi gabi kaming nagvivideo call at tatawag sa umaga para mag greet ng good morning sa isa't isa.
Kahit na patago yung relasyon naming dalwa hindi naman hadlang ito sa amin eh , idol sya singer kasama sya sa isang sikat na banda mapapilipinas man oh ibang bansa kilalang kilala sila.
Boto naman sa amin ang kaibigan nya at ganun rin ang sa akin naiingit pa nga sila na sana maranasan din nila na may ganito silang kasintahan,si ella yung bestfriend ko ang number one supporter namin sabi nya.Sya yung todo suporta sa aming dalwa , sya yung laging katuwang ni hugo pag may surprise sya sa akin . At sya din yung look out ko kung may umaaligid kay hugo.
Kasama kasi sya sa banda sya yung isang singer sa kanila parehas sila ni hugo , madami ngang nagtatambal sa kanilang dalawa pero tinatawanan na lang nila ito hindi naman ako nagseselos kasi malaki yung tiwala ko sa kanila.Noon yun...
Pero ngayon nawala na , napakasakit sakin kasi sila yung pinaka pinagkakatiwalaan ko akala ko hindi nila magagawang lokohin ako pero malaking kasinungalingan lamang pala iyon.
Ang mas malala pa alam ng buong barkada yung kabanda ni hugo at kaibigan ko , matagal nilang nilihim sa akin iyon .
Napakasakit pinagkaisahan nila ako...
Niloko nila akong lahat matagal na pala silang sekretong nagkikita kasabwat yung mga tinuturing kong kaibigan , nalaman ko lang kasi nabalita sila may ebedensya pa hindi nila itinanggi na sila na pala.
Hindi na siguro kinayang magtago , hindi man lang sila nagpaliwanag sa akin wala akong kadamay ni isa .
Yung tinuturing kong kaibigan wala parang hindi nila ako kilala .Masama ba akong tao may nagawa ba akong mali para maranasan ko ito akala ko perperkto na akala ko pangmatagalan na pero hindi eh , napakalaking kasinulangin lamang ito.
Mahal na mahal kita pero bakit ganito yung ginawa mo... nyo sa akin wala akong hinangad masaya kayo okay na ako dun pero kung ang kasiyahan nyo ang nagpapakasakit at nagpapakahirap sa akin titiisin ko kakayanin ko para sa ikakasiya nila.