(13) No title

0 0 0
                                    

-

Masaya naman kami eh, pag may problema inaayos naman kapag may tampuhan hindi tatagal ng isang araw ganun kami eh.

Mag aasaran pag may napikon susuyuin nakakatawang relasyon at masayang pagsasamahan, hindi nakakasawa at hindi rin naman nakakaumay.

Tuwing araw ng linggo pumupunta kami sa kahit anong simbahan at duon magsisimba, pag tapos na ang misa mag gagala at pag kwekwentuhan ang mga gusto naming mangyari sa future namin.

Kahit na madalas ay hindi kami nagtutugma sa oras dahil sa trabaho namin hindi naman ito nakakabawas sa pagsasamahan namin bagkus ay hindi na lang namin ito inaalala basta't mag kasama kami, kontento na kami dun.

Pitong taong pagsasamahan,pitong taon din ang aming relasyon matibay at matatag, siguro ito na ang oras .

Nandito na ako sa simbahan dahil ito ang araw ng kasal , naglalakad ako papuntang altar nakita ko syang naluluha , ngumiti lang ako sa kanya .

Papalapit ng papalapit sa kanya at hindi na nya napigilang humagulgol sa pag luha ako ito tumutulo din ang aking luha, nandito ako sa tapat nya binigay ko ang kamay ng kanyang mapapangasawa.

"Alagaan mo sya at ingatan mo din ang magiging anak nyo mahalin mo ng buong puso at walang alinlangan ang ATE ko ha"

Nandito na ako sa pwesto ng bridesmaid habang nag seseremonya na iniisip ko yung mga nanyari samin kung bakit kami naging ganito, tumawa ako sa isip ko.

Napahawak ako sa di pa halata na umbog sa tyan ko, 'ayaan mo baby kakayanin ko palakihin ka ng walang ama'.

My WorkWhere stories live. Discover now