' I'm a gold digger '
" Honey umuwi ka ng maaga mamaya ha gagawa ako dinner nating dalawa"
Tango lang ang sagot nya sa akin
Binigyan ko sya ng isang halik sa pisngi bago sya ihatid sa kotse nya kumaway pa ako sa kanya pag alis nya .
Naghihintay ako sa kanya sa dining area 20 minutes na syang late sa dinner pero di bali maghihintay pa rin ako.Pero di na sya dadating kasi magoovernight sya sa company nya.
--------------
" Honey tutal half day ka lang naman ngayon sa work mo pasyal tayo mamaya ha "
At tango ulit ang sagot nya
Naeexcite ako para mamaya pero nawala ang aking sigla ng nagtext sya sakin na may emergency meeting daw sya kaya gabi na sya makakauwi.
-------------
" Honey anniversary na natin kinabukasan pwede bang icancel mo na lang yung gagawin mo bukas "
" Susubukan ko " napangiti naman ako sa kanyang sinabi .
Hinatidan ko sya ng lunch nya sa office nya , matiwasay naman ang araw ngayon masaya ako para don.
Kinabukasan ay nagaayos na ako para sa date namin , tinext ko sya kung pauwi na sya sa bahay kasi pumunta muna sya sa office nya dahil may nangyari .
30 minutes na ang nakakalipas ngunit hindi na sya dumating.
Palagi na lang....
--------------
Kinabukasan hindi ko muna sya kinausap para iparating ko sa kanya na nagtatampo ako at para rin lambingin nya ako.
Ngunit iba ang nangyari...
Hindi nya man lang ako kinibo at dire diretsong umalis sa bahay namin , at nasundan pa ng ilang araw na ganun ang gawain nya hindi man lang nya nagagalaw ang umagahan nya at sinasabing sa office na lang sya kakain.
Kailan ba matatapos ito...
Simula ng nawala ang una sana naming anak hindi mangyayari toh hindi ako manlilimos ng oras nya at hindi ako magiging isang 'gold digger' dahil sa kanya.
" They say time is gold ,so I'm a gold digger who want his attention and time "