(5) Kolorete

0 0 0
                                    

-

' pokpok'

' siguro madami ng naging kasintahan yan'

' malande '

' b*tch '

Ayan agad ang bungad sakin papasok sa paaralan habang naglalakad ako hindi parin nila ako nilulubayan ng tingin at rinig ko parin ang bulungan nila .

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa silid aralan namin umupo ako sa pinaka dulo yung walang makakapansin sa akin , mas ayus na din toh wala din naman nagtangka na umupo at kumaibigan sa akin.

" shiena mamaya sa bahay ko uwian "
Sabi ng kaklase kong lalaki hindi ko sya pinansin sanay na rin ako araw araw ba ganyan bungad nya sa akin eh. Titigil lang sya pag suko na syang mangasar sakin , at sana nga rin itigil nya na yung pangloloko at pangaasar nya sakin kahit na sanay na ako nakakasawa na rin.

Recess na namin at ito ako mag isang kumakain kahit na sanay na ako nakakalungkot pa rin kasi gusto ko din na maranasang magkaroon ng kaibigan ni isang beses hindi ko pa nararanasan , simula nung elementary ako wala ni isa kasi ganto yung ayus ko.

Makapal na lipstick

Makapal na blush on

Makapal na foundation

At kung ano ano pa

Hindi naman talaga ako ito eh , napilitan lang ako hindi ako ito eh , pinilit lang ako ...

Uwian na namin naglalakad ako pauwi sa amin ng nakasalubong ko yung mga sikat sa paaralan namin binubuo sila ng pitong grupo apat na lalaki at tatlong babae, papalapit sila sa direksyon ko kaya binilisan ko ang lakad ko hindi sila pinansin .

May pumigil sa akin napalingon ako sa kanila , tinaasan ko sila ng kilay dapat mag mukha akong matapang at palaban. "Uhm... shiena p-pwede ba kaming makipag kaibigan sayo?"tanong sakin ni jane .
Tinignan ko lang sya at inalis ang paghahawak nya sa braso ko at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. " hoy sino ka sa inaakala mo kinakaibigan ka na nga jyan ayaw mo pa !" .

Napatigil ako sa pag lalakad , " wala ka ng pakealam dun " , sabi ko ng hindi ko sila nililingon. " ang yabang mo akala mo kung sino eh malande at pokpok ka naman nagmana ka siguro sa nanay mo ". Dun na ako humarap sa kanila .
Binigyan ko ng sampal si sally dahil sa sinabi nya kinain na ako ng galit ko " wala kang alam sa buhay ko wala kayong alam kung anong nangyayari sa akin at wala din kayong alam sa sakripisyong ginawa ng nanay ko para mabuhay ako " pinigilan nila ako hindi ako papaawat sunod sunod ang tulo ng luha ko.

Tumigil lang ako ng napagod ako napatingin ako kay sally putok ang labi nya gusot gusot ang damit nya at madaming kalmot sa braso at mukha. Napaupo ako at dun na sumabog ang nararamdaman ko wala silang alam sa pinagdadaanan ko wala silang alam.

" hindi nyo alam yung nangyari sakin kaya wala kayong karapatan para husgahan ako wala kayong alam " madami ng nakatingin sa amin , " humuhusga kayo base lang sa nakikita nyo humuhusga kayo kasi ayun yung naririnig nyo humuhusga kayo pero hindi nyo alam yung totoong nangyayari bumabase lang kayo sa nakikita nyo "

Tinignan ko silang lahat at dahang dahang pinunasan ng wipes ang mukha ko , makikita na nila yung totoong ako yung dahilan kung bakit ako ganito. Napasinghap sila sa nakita nila awa ang makikita sa kanilang mga mata.
Inalis ko ang uniform ko ayus lang naman kasi nakasando ako , hindi sila makatingin sa akin nakikita na sa kanila yung awa at lungkot dahil sa mukha kong puno ng pasa at sugat sa katawan kong lapnos at mga marka ng latigo at kadena .

Napatingin ako sa kanilang lahat at maya maya lang unti unti ng nanlalabo ang paningin ko hanggang sa puro itim na lang ang nakita ko.

' sana matapos na toh , itong paghihirap ko sa kamay ni ama , tito at ni kuya sana matapos na toh at sana rin makasama ko na si ina sana... '

My WorkWhere stories live. Discover now