(Sorry po, ngayon lang ako nakapag update, busy rin kase sa school works eh, thank you for understanding!! <33)
Nang maka alis si Christian ay hindi na natigil ang mga luha ko ng pumasok ako sa bahay, naabutan ko silang lahat dun sa living area sa nag aalalang mukha. Si mama, bakas parin ang galit at pag aalala sa mukha niya. Sila naman Jucelle ay kumakain nanaman. Hinatiran daw sila ni Manang.
"Anak, anong nangyari, nasaan na siya?" tanong sakin ni mama pagka upo ko sa sofa.
"Pinaalis ko na siya, papunta ata siya sa America ngayon."
Nag uusap usap pa kami ng biglang bumukas ang pinto at bumungad samin ang galit na mukha ni Zach. Ano na naman ang problema ng lalaking 'to?
"Good evening tita, guys. Jellcy, pumunta ba ulit si Christian dito? Anong ginawa niya sayo, Why are you crying?" tanong niya saakin sa galit na tono pero bakas ang pag aalala dun.
"Ha? Si Christian? Wala na siya dito pinaalis ko na. Bakit? Kase niloko niya ako, akala ko mahal niya ako, but no, I was wrong. He was my first love and I thought my last love na rin. Akala ko kami na ang para sa isa't isa. A-Akala ko--," natigil ako sa kakasalita ng bigla niya akong yakapin, naiiyak nanaman pala ako, traydor talaga kahit kailan. Bumulong siya.
"Shh, Stop crying, I feel weak when you're crying, Jellcy. Please stop it." sabi niya at hinalikan ako sa noo. Wow.
" T-Teka, ano ba! Bakit ka ba ganyan, diba galit ka sakin? kanina lang ang sungit sungit mo ah?" sabi ko at hindi nanaman siya nag salita. "Ano ba ang kailangan mo? Why are you so nice to me this time? Tapos kanina lang ang cold mo sa'kin." inis na sabi. Wait, bakit nga ba ako naiinis? Ewan.
"I'm sorry about what happened a while ago. If ever na may ginawa man sa'yo si Christian I'll make sure that he'll never see you. Never." sabi niya then he clenched his jaw. Aakyat na sana siya ng tawagin ko ulit siya.
Naalala ko yung sinabi ni Christian na cousin niya sa father side si Zach eh.
"Zach." tawag ko at agad siyang lumingon at lumapit. "Christian said that you and him are cousins in father side? Is it true?" tanong ko pero I realized na masyadong formal yung pagkakasabi ko, parang feeling ko girlfriend niya ako kung maka sabi ako nung 'Is it true'.
"Ah, don't mind it. I'm just curious but It's okay if you don't answer-," sabi ko pero pinutol niya ako.
"Yep. We're cousins, but we don't have any communications when Daddy died."
"O-Oh, I'm sorry to hear that." I said. Nagpa alam na siya na pupunta na sa kwarto. Aakyat na rin sana kami ng maalala ko na hindi pa nga pala kilala ni Mama si Merida.
"Ma. Meet our new friend po, Merida Fraud. We're classmates." Agad na sabi ko kay mama pagka lapit ko sakanila.
"Hello po, Tita. I'm Merida po. Ang magandang bff ni Jellcy." pabirong bati niya pa. Wow, her confidence is getting higher!
"Hello. Welcome na welcome ka dito ha? Feel at home" nakangiting sabi ni mama at nagpaalam na maliligo muna dahil mag duty siya sa hospital namin
"Luh, overwhelmed ka girl? Sana all." biro pa ni Jaydha.
"Crazy, mas maganda ako." sabi ko sakanila at tumayo pa para mag pose. Agad naman silang tumayo at akmang aalis ng bigla ko silang hinabol. "Uy, kayo naman, charot lang eh"
"Hayaan niyo nga iyang broken hearted na 'yan." biro naman ni Jucelle. Binatukan naman siya ni Merida dahil sa sinabi niya. "Ouch, ano ba?" binulungan naman siya ni Merida pero narinig ko naman. Napangiti nalang ako at inaya na sila papunta sa kwarto ko.
YOU ARE READING
The Boy who Stole my First Kiss ( Best friends Series #1 )
Teen FictionAlam n'yo yung feeling na akala mo magtatagal yung relationship niyo ng boyfriend mo kase almost perfect couple kayo? Pero lahat ng yun masisira lang pala ng dahil sa kaibigan mo na akala mo mapagkakatiwalaan mo at masasandalan sa lahat ng oras. Hi...