Prologue:

657 37 19
                                    

*Wedding Bells Rang*

Oo nga pala, kasal ko na. At last, matatali na ko sa lalaking hinintay ko buong buhay ko.

Dati akala ko wala ng lalaking nakalaan para sakin. Lahat kasi sila, sinaktan lamang ako.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala ko sya, ang lalaking pakakasalan ko maya-maya lang.

Lahat na ata ng LOVE naranasan ko na. Nandyan yung PUPPY LOVE na dumating nung ako'y nasa elementarya palang. FIRST LOVE naman nung ako'y 2nd year high school. Nagkaroon din ako ng GREAT LOVE nung malapit na ko mag-graduate ng high school. Akala ko sya na pero biglang dumating ang TRUE LOVE ko at umekstra sa eksena.

Si TRUE LOVE, right timing ang dating nya sa buhay ko. Inisip ko noon, SYA NA! Sya ang lalaking pakakasalan ko. Everything went well between us until one day, something happened and it led me to my ENDLESS LOVE.

Si ENDLESS LOVE, SYA NA TALAGA! Sya ang lalaking naghihintay sakin sa dulo ng altar. Yung akala kong sad ending ng buhay ko ay napalitan nang dahil sa kanya.

Nagmahal ako, Nasaktan, Naloko, Nagpakatanga, Umiyak ng sobra pa sa isang drum, Nagmahal ulit at paulit-ulit na nasaktan. Akala ko ganun nalang ang cycle ng buhay ko pero MALI pala ako, may mas magandang pangyayari pala ang naghihintay sakin.

At dahil masaya ako, halika't samahan akong balikan ang aking 'BITTERSWEET MEMORIES' kasama sila, silang mga minahal ko ng buong puso't kaluluwa.

(READ ( ˘ ³˘)♥ VOTE ( ˘ ³˘)♥ COMMENT)

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon