The Wattpad Stigma

265 31 18
                                    

Nakakalungkot lang na madalas isipin ng karamihan na cheap ang stories dito sa wattpad.

I usually find it in the comments from posts sa social media, na kung may overly dramatic and cringey scene, madalas nilang sabihing, "Uy, ano iyan? Wattpad?" As if the term wattpad is a bad thing.

I can feel it too from people I know tuwing tatanungin nila ako tungkol sa mga sinusulat ko at kung saan ba nila ito pupwedeng basahin. And when I tell them it's on wattpad, even if they don't tell me outright, I can sense it, their disappointment.

Most people think that stories here are for teenagers only na walang ibang ginawa kundi ibuhos ang kanilang mga romantic fantasies sa mga virtual pages dito. They think it's a joke. And others are getting afraid na rin sa mga kantyaw ng ilan nilang mga kaibigan. "Ay, nagbabasa ka sa wattpad? Ang cheap ha?"

It's crazy.

But for me, it's scary.

It saddens me that people won't even look past the false branding na inilalagay ng ilan sa mga storyang pinaghihirapan nating gawin dito. It's true, some may be raw and ugly, but still has a potential to grow. There are even thousands of undiscovered gems dito! Hindi lang nila gaanong bigyan ng tyansang basahin.

But no matter how bad this situation is, I think kaya pa rin naman natin itong solusyunan.

Actually there are so many things we can do! Kung may marinig man kayong kakilala na nagba-badmouth sa mga wattpad stories, prove them wrong! Don't turn a blind eye. Sabihin mong marami rin namang mga matitinong stories dito na hindi lang nabibigyan ng pagkakataong makilala.

If there's a story you really love, talk about it on social media. Spread the word! "Uy, alam mo iyong story na gawa ni ganito? Grabe! Nakakaiyak iyong ending, sobra! Basahin mo!"

If you're a beginner, read published works too! Hindi iyong gaya-gaya ka lang sa ilang mga gawa rito na mali-mali ang grammar. Pag-aralan mo ang wastong paggamit ng "nang" at "ng", gumawa ka ng nakaka-hook na opening, hindi iyong puro ka na lang pagsimula sa paghampas ng bida sa alarm. Learn how to correctly write a dialogue! At utang na loob, huwag puro landi ang kwento! This place is full of billionnaire stories already, mga simpleng-babae-pero-pinansin-ng-super-perfect-na-lalaki trope, mga babaeng nabuntis tapos matic agad na itatago ang katotohanan doon sa nakabuntis na lalaki for God knows why! Enough! I-challenge mo rin ang sarili mo. Think of something new. Reputasyon din ng mga stories natin ang nakasalalay dito.

It's not too late. We can still do something to fix this problem. And we can even do more kung magtutulong-tulongan tayo rito.

Good luck sa atin!

Little Random Crumbs About WritingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon