SO HALOOOOOO MAY READERS PA BA AKO? 😂😂😂
It's been what? 5 years? Hahahahahaha so nakita ko na yung notebook na sinulatan ko nito 😂
Hope you enjoy guys. Lablab 😘-THIRD PERSON POV-
Boom!!
Lahat ay nagising sa biglaang pagsabog na naganap sa labas.
Boom!!!
May sumabog ulit pero sa panahong ito nakalabas na ang lahat at hindi alintana kung ano man ang hitsura ay suot nila.
-HONESTLYN POV-
Napanganga ako sa nakita ko sa labas. Nawasak ang barrier na sinara ni Queen kahapon at halos hindi na makilala ang garden na napakaganda noon. Napupuno din ng usok ang buong lugar.
Completo kaming lahat dito sa labas.
Nakatingin lang ako kay Queen Charmae na kinakabahan na nakatingin sa usok na may pigura papalapit sa amin.
Nang mahawi ang usok ay nakita namin ang babaenh kamukha ni Queen Charmae. Pabalik-balik ang tingin namin sa kanilang dalawa. Kung hindi lang siguro naka itim ang babae ay mapagkakamalan namin siyang si Queen.
"Charm Rose?" Parang nagkukumpermang tanong ni Queen sa babaeng kamukha niya at pawang hindi mahulaan kung ano ang iniisip niya sa oras na iyon.
"So you still remember me, my dear twin sister?" You can taste the thick sarcasm in her voice. "Aren't you happy to see me alive and out of that stinky jail?"
"Of course masaya akong makita ka Rose but what happened to you?"
Napapagak na tawa nalang ang kakambal ni Queen at tiningnan kami isa-isa. Hindi niya pinansin si Queen at biglang napatigil ang kanyang tingin sakin. Bakas ang pangungulila sa mukha nito.
"Anak? Honestlyn?" Nanigas naman ako sa kinatayuan ko. Nanay ko ba to? Eh may nanay na ako ah!
"Po? Anak? Hindi po yata ako yung anak niyo. Baka kahawig ko lang po maganda po kasi ako." Pagtatanggi ko pa.
"H-hindi mo ba talaga ako naaalala anak?" Puno ng pag-asa niyang sambit na sinagot ko naman ng lingo.
Agad naman niyang tiningnan nang masama si Queen na para bang ito ang dahilan. "Anong ginawa mo sakanya? Bakit hindi siya makaalala haaa!?"
"Kapatid magpapaliwanag ako. Noong ginawa mo ang soul exchange spell madaming nagbago. Nawalan ng memorya si Tao at Baek at nagkapalit sila. Pero noong dumating ang ika limang araw ay nagbalik ang ala-ala ni Baek na nasa katawan na siya ni Tao. Kaya ang katawan ni Baek ang palagi kong kasama. May aura ring lumabas at lumapit kay Honestlyn. Napalibutan siya noon at may lumabas na Tanda na nagsasabing mapupunta siya sa mundo ng mga tao at mawawalan ito nang memorya tungkol sa mundo natin. Pagkatapos ay hinigop na siya nang blackhole. Mabilis akong lumapit doon bago ito maglaho ngunit nakuryente ako. Wala akong nagawa kapatid kaya hinanap ko siya ng hinanap sa mundo ng mga tao kahit manghina man ako."
"Nawalan din ng memorya ang mga anak natin maliban kay Xiumin na wala noong mangyari iyon." Umiiyak na salaysay ni Queen sa mga nangyari noon.
Pati ako ay naguguluhan din ngunit may mga larawan na biglang nagpakita na batid ko ay akin. Doon ko naintindihan ang lahat.
"Shu-shu? Mommy?" Tawag ko sa kanilang dalawa.
Mabilis na tumakbo palapit sa akin si Mommy at yinakap ako.
Pero biglang nanlabo ang lahat.
"M-Mommy? Anong nangyayari? Bakit lumalabo kayo? Mom!!!" Natatako na sigaw ko.
Everything went black.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time In EXO Planet
FanfictionLiving in a simple life, Honestlyn is one of those student who's been bullied. But what if there is an unexpected thing happened. She woke up in a strange planet called EXO. Will she handle the sudden twist of her fate? Ito po ay bunga nang kabaliw...