CHAPTER 2

1.1K 29 0
                                    

"Aahh!"

Napaigik ako sa sakit nang may humila sa buhok ko.

Agad akong napakapit sa kamay ng humawak habang tinatangkang kumawala.

Rinig ko ang pagtawa ng mga barkada niya na may pangungutya saka mas hinigpitan pa ang pagkakapit sa aking buhok.

Ang sakit! Parang matatangal na ang anit ko.

Hinila ako nito sa bewang kaya ramdam ko ang hininga nitong bumabanda sa aking leeg.

"Hey bitch, I want you to be there at 8 pm in the court." Mas diniin pa niya ako sa kanya kaya ramdam ko ang mala-pader nitong katawan sa likod ko.

Nahigit ko ng hininga nang marandaman kong pasimple niyang siningot ang aking buhok at umungol ng mahina.

Alam kong hindi napansin ng iba 'yun dahil sa sobrang lapit namin, pero halos magtaasan ang aking balahibo nang hinimas-himas niya ang bewang ko kung saan nakayapos ang kaliwang kamay niya.

Ramdam ko ang pamumuo ng tubig sa aking mata pero pinigilan ko. Alam kong mas lalala lang ang sitwasyon kapag pumalag ako sakanya.

"Narinig mo ako?!" Sigaw niya sa aking tenga saka hinila ulit ang aking buhok kaya agad akong namilipit sa sakit.

"Words, bitch." Puno ng sakim niyang utos.

Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga nasa paligid natutuwa dahil sa nasasaksihan.

"P-Punta a-ako..." Garalgal na boses na aking saad.

Bigla niya akong tinulak kaya napasubsob ang mukha ko sa locker

"You know what will happen to you kapag hindi ka sumunod sa utos ko." Rinig ko ang pang banta niya bago marinig ang mga papalayong tunog ng sapatos nila.

Biglang tumulo ang aking luha kasabag ng pagbangga ng mga estudyante sakin habang nagtatawanan.

Bakit kailangan ako pa?! Bakit ko ba nararanasan to?!

Minsan ko na ring naisip tumigil na sa pag-aaral o di kaya'y ipareport sila ngunit alam kong mas magiging impyerno ang buhay ko pag ginawa ko 'yun.

Alam kong ang tanging solusyon ay pagiging matatag.

Pero hanggang saan lang ang kaya ko?

My Bully Rapist Where stories live. Discover now