CHAPTER 5

1K 30 0
                                    

Wala. Dahil nandyan siya palagi. Kahit saan ako magpunta nakikita ko siya. Hindi ko nga alam kung hanngang sa bahay sinusundan niya pa rin ako.

Na sana ay huwag mangari. Iniisip ko pa lang nangingilabot. Lahat ng paninitig na galing sa kanya ay nagdudulot sakin ng matinding takot. Halos hindi na ako makatulog nang sinabi sakin ng dati kong kaibigan na napapansin niyang palaging nakasunod sakin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ako naniwala nung una, pero nakompirma kong tama ang hinala niya nang makita ko mismo noong pauwi na ako galing sa paaralan na sinusundan ako nito. Kahit nakahood at malayo sakin ay alam kong siya ito base sa kanyang porma.

Dahil sa natuklasan, para akong mababaliw sa kaiisip kung may sumusunod ba sakin, kung namamalagi din ba siya sa bahay.

Nakikitulog na lang ako sa bahay ng dati kong kaibigan dahil wala pa si Mama nun. Ngunit hanggang doon ay napaparanoid pa rin ako. Parang ramdam kong may nakamasid pa rin sakin.

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang ilong niya sa aking pisngi at pinalibot ang braso sa bewang ko ng may pag-aangkin.

"You think they're gonna help you?" Ramdam ko ang pagngisi niya sa aking pisngi.

"No one can keep you way from me, il mio amore." Mas diniin niya ako sa pader kaya napadaing ako sa sakit. Napahagulgol ako sa kamay niya nang marahan niyang hinalik-halikan ang panga ko pababa sa aking leeg.

"Hmm, Non sai quanto sono follemente dipendente da te, amore mio." Bulong niya sa wikang Italiano saka ako dinampihan ng maliliit na halik sa balikat.

Mariin akong napapikit at nanalangin na sana ay tigilan niya na ako.

Bigla siyang napatigil sa ginagawa nang may kumatok sa pinto ng cubicle kung saan niya ako itinulak.

Nanlaki ang mata ko at mas kumabog ng mabilis ang aking puso.

Baka makita nila ako at ipagkalat sa buong Campus ang nakita at tuluyan ng masira ang reputasyon ko.

My Bully Rapist Where stories live. Discover now