Prologue

80 13 11
                                    

Prologue.


Nasa isang sulok ako ng luma naming bahay. Magulo rito, at masangsang. Habang nananahimik ako rito sa kwarto namin at nakatuon ang pansin sa aking libro na inaaral, ay aking naririnig pa rin ang kanilang hiyawan at bangayan.

"Kung hindi ka ba naman kasi lasinggero, edi sana ay may kinakain tayo ngayon!" sigaw ng aking Ina. Hindi ko na lang muna sila pinansin. Araw-araw at gabi-gabi naman na kaming ganito. Sanay na ako.

"Ilang beses ko bang sinasabi sa'yo, na nag-iinom lang ako para maging masaya? Ikaw ang mag-trabaho! Hindi mo nga manlang ako kayang pasiyahin," sagot ng aking Ama, at doon na ako tuluyang nawala sa focus dahil narinig ko ang tunog ng matinding sampal ni Ina.

"Ang kapal ng muka mo! Dapat pala ay matagal na kitang iniwan!" Sinimulan ko na tumayo, at humakbang papalapit sa kanila. Hindi ko na kaya ang ingay ng mga boses nila, naririndi na ako.

"Ma, Pa," tawag ko sa kanila. 'Agad naman silang lumingon sa akin, at inakap ako ng mahigpit ni mama.

"Juliet? Bakit hindi ka pa natutulog, anak? Hindi ka pa ba tapos mag-aral?" tanong niya sa akin. Tinignan ko ang ama ko, para siyang nag-pipigil ng kaniyang galit at pinapakalma ang sarili.

Ayaw niya kasing nakikita ko ang away nila, gayon din kung paano siya magalit kay mama. Dahil bata pa raw ako, sa murang edad ko na ito, na sampung taong gulang hindi ko raw dapat naririnig ang mga ganitong usapin.

Kahit ang totoo, rinig na rinig at alam na alam ko ang nangyayari.

"Halika na, matutulog na tayo," anyaya sa akin ni Mama. Kahit hindi ako sumasang-ayon sa kaniyang gusto ay sinunod ko na lang ito.

Ngunit, bago umalis ay tumakbo ako papalapit kay papa at inakap ko iti. "Mahal ka namin papa, huwag mo po kami iiwan ha?" Nakita ko ang pag-kagulat at pag-katulala ni papa, kaya't kumalas na ako sa yakap na aking ginawa.

Sa tanang buhay ko, hindi ko siya inaakap o sinasabihan ng ganoong salita. Dahil takot ako sa kaniya, lalo na kung lasing ito.

"Halika na anak. Gusto mo bang kwentuhan ka ni mama ng storya?" Masayang lumapit ako kay mama at nginitian ito.

"Opo!" sagot ko.

"Oh s'ya, halika't ibabahagi ko sa iyo." Pumunta na kami sa higaan, at ako ay inihiga na ni Mama. Nakita kong sumunod sa amin si Papa at sumilip lang ito. "Ibabahagi ko sa iyo, ang kwento ng dalawang taong nag-mahalan, nag-sakripisyo, at ginawa ang lahat para lamang sa kanilang pag-iibigan," sambit ni Ina. Masayang pumalakpak ako at ipinatong ang ulo sa kaniyang binti.

"Ang kwento ni Romeo at Juliet," sambit ni Ina.

"Kapangalan ko po!" masayang sagot ko sa kaniya. Ngumiti ito, at hinimas ang aking buhok.

"Oo anak, doon kita ipinangalan sa kaniya." Sinimulan na buklatin ni Ina ang libro, at nag-kwento.

"Mula sa kaharian ng Verona, mayroong nag-ngangalang Principe Escalus ang siyang namumuno roon," panimula ni Ina. "Kung saan laging may nagaganap na away, gulo o laban." Napatingin ako kay Mama dahil doon.

"Salbahi po silang lahat?" tanong ko rito.

Tumawa si Ina at hinamas muli ang aking buhok. "Hindi, anak. May mga mabubuting tao pa rin, katulad ni Romeo. Ang nag-iisang pansalinlahing supling, isang lalaking nasa kaniyang kabataan pa lamang sa kwentong ito. At si Juliet, ang nag-iisang pansalinlahing supling ng mga Capulet, isang babaeng maganda na nasa kaniyang kabataan, at may edad na labing tatlong taong gulang pa lamang," sagot ni Ina. Nakinig na lang ako roon. Tinignan ko si papa na nakasilip lamang sa amin, at nginitian siya.

"Hanggang isang araw, habang may nagaganap na kasiyahan sa bulwagan. Nakikipagsayaw si Juliet, at doon ay nakita siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag ng kagandahan ni Juliet ang puso ni Romeo. Hindi napigilan ni Romeo ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang kamay nito. At doon na sila nag-simula magsaya, at magpakilala sa isa't isa," saad ni Ina. Bumangon ako at tinignan siya na may ngiti sa labi.

"Tapos po ay nagpakasal sila?" tanong ko. Ngumiti si mama at tumango sa akin.

"Oo, anak," sagot nito.

"Tapos ay nag ka-baby din po? Tulad niyo ni papa? May anak din po sila? Na tulad ko?" Nagtaka ako sa naging reaksyon nilang dalawa ni papa. Nagkatinginan sila at nanahimik, hindi sinagot ang tanong ko.

"Mama?" pagtawag ko rito.

Ngumiti siya sa akin ng pilit, at pinahiga muli ako. "Oo anak, nagkaroon din sila ng baby o anak na tulad mo. Naging masaya sila, at nabuhay sila ng matagal pang panahon." Napangiti ako sa sinabi ni mama.

"Gusto ko rin po magkaroon ng Romeo, at gusto ko rin po maging masaya katulad ng nangyari sa kanila," saad ko sa kanila. Parehas na naman silang nagtitigan ni papa at nanahimik.

"Matulog na tayo?" tanong ni Mama. Masayang tumango ako at pinalapit si papa sa amin.

"Gusto ko rin po ikaw makasama sa pag-tulog," sambit ko rito. Natulala pa ito ng ilang saglit, tila hindi makapaniwala sa kaniyang narinig mula sa akin. Ngunit bandang huli ay lumapit ito sa amin, at pinag-gitnaan nila ako ni mama.

"Good night, Mama at Papa." Ipinikit ko na ang aking mata na may ngiti sa labi.

Pag-gising ko kinabukasan ay wala na sila sa tabi ko, kaya 'agad akong napatayo at hinanap sila.

"Ma? Pa? Nasaan kayo?" Nilibot ko ang bahay namin, at lumabas din ako, ngunit wala sila.

"Ma? Pa-" naputol ko ang aking sasabihin dahil sa ingay na narinig mula sa aming kusina. Nakaramdam ako ng takot, nagtayuan ang balahibo ko. Ngunit kailangan ko tignan at puntahan iyon, kaya naglakas loob akong pumunta roon dahil nag babaka-sakali na si Mama lang iyon.

"Mama? Nasaan kayo?" tanong ko. Pagtalikod ko ay nagulat ako sa biglaang yumakap sa akin.

"Juliet! Anak," humahagulgol na sambit ni Mama.

"Ma? Bakit ka po naiyak?" tanong ko rito. Hinimas-himas ko ang likod niya at tinignan ito. Parang may nabasag sa dibdib ko dahil sa aking nakita.

May pasa si Mama sa mata, at paga rin iyon. Siguro ay dahil sa kakaiyak. Nakakaawa ang kaniyang itsura, halata sa kaniya ang hirap at pagod.

"I-Iniwan tayo ng P-Papa mo..." Nanigas ako sa aking pwesto dahil sa narinig. Hindi ko alam ang kaniyang sinasabi, ngunit ramdam ko ang kirot sa aking dibdib.

"Ano po ang sinasabi ninyo?" tanong ko.

"Iniwan n-niya tayo, nambabae siya! Iniwan niya tayo anak," saad ni Ina.

Hindi, hindi kami iiwan ni Papa at hindi siya mag-hahanap ng ibang babae dahil mahal niya kaming dalawa ni Mama. Hindi...

"Hindi ko po kayo maintindihan," pag-sisinungaling ko.

"Balang araw, maiintindihan mo iyan anak. Sa ngayon, tayo na lang dalawa ang magkasama. Huwag mo rin ako iiwan, Juliet ha?" sambit niya.

"Opo, hindi kita iiwan. Hindi po tayo mag-iiwanan." Tuluyang humagulgol si Mama kaya inakap ko na lang ito at pinapatahan.

Nang gabing iyon, ayon na pala ang huli. Ayon na pala ang huli naming pag-kikita at pagsasama. Dahil iniwan niya kami, at hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang iyon.

Simula nang araw na 'yon, sinumpa at pinangako ko, na hindi na ako magtitiwala sa mga lalaki. Hinding-hindi na, dahil pare-parehas lamang sila.

Manloloko.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon