Epilogue.
Tutok na tutok akong nakatingin sa mga papel na kaharap ko. Halos hindi ako magkandarapa dahil dito."Nasaan na ba 'yon?" Binuksan ko ang aking drawer at hinanap ang papel na aking lalagyan ng marka. Habang paikot-ikot ako sa aking opisina ay may narinig akong kumatok sa aking pinto, kung kaya't itinigil ko muna ang paghahanap at inayos ang sarili.
"Pasok!" sigaw ko ro'n. Unti-unti namang nagbubukas ang pinto, at isang masigla at masiyahin na batang babae ang tumakbo papalapit sa aking upuan.
"Mommy, I miss you! Ilang score po ang nakuha ko?" masiglang pagbati ni Zahra. Binuhat ko siya at inilagay sa aking hita.
"Pasensya na, nak. Hindi ko mahanap ang papel mo dahil sa dami ng mga papel dito. Baka bukas, I'll check it," wika ko. Biglang lumungkot ang mukha niya na tila nanghihinayang ito sa narinig.
Ang batang ito kasi, kapag may gusto na isang bagay o ano man iyan, kailangan n'yang makuha 'agad iyon.
"I'm nagtatampo, mommy." Ngumuso ito at nagmamakaawa ang mga matang tumitig sa akin, kung kaya't ginulo ko ang buhok nito at pinisil ang pisnge n'yang mataba.
"Ikaw talaga! Sino bang kasama mo pumunta rito? Tara nga sa labas, ipapatikim ko ang bagong cake na ginawa ko para sa'yo," sambit ko sa kaniya. Bigla namang lumiwanag ang mukha nito at tumalon pababa mula sa aking hita. Nang makatayo na ito ay 'agad n'yang hinawakan ang kamay ko kaya wala akong nagawa sa pag-hila niya.
Paglabas ko ay nasapul ko na lang ang noo ko dahil sa nakita. "Teacher, Juliet!" sigaw sa akin ni Zack. Pinagkakaguluhan siya ng mga babaeng customer namin, kaya hindi ko siya pinansin at pumunta sa counter.
"Mommy? Is daddy okay?" tanong ni Zahra. Umupo ako upang mag-pantay kami at nginitian ko ito.
"Yes, your daddy is fine. Don't mind him and let's eat the cake I made and my new flavour chocolate drink?" Sunod-sunod na tumango ito at masayang pumalakpak, kaya tumayo na ako at kumuha ng cake at chocolate drink.
Sunod ay pumunta muna ako sa cashier upang tingnan kung marami na ba ang bumili sa amin ngayong tanghali. Napangiti ako nang makitang lalong tumataas ang sales namin, kaya tumahak na kami sa isang bakanteng lamesa.
"Here's your chocolate drink and chocolate velvet cake, sweetie." Sinunggaban nito ang pagkain at walang humpay sa pagsubo n'on. Natawa na lang ako nang magkaroon ito ng icing sa ibang bahagi ng bibig niya.
Habang tinitingnan ko si Zahra ay biglang dumating si Zack na hapong-hapo, kung kaya't ininom nito ang chocolate drink na para sa anak niya.
"Daddy! That's mine!" bulyaw ng anak niya rito. Natawa na lang ako nang ngumuso ito, habang si Zack ay bagsak ang balikat na umupo at sumandal sa upuan.
"Sorry, sweetie. Ang hirap kasing maging gwapo, pinagkakaguluhan ng lahat," wika niya. Napa-irap na lang ako sa kahibangan niya at kinuha ang tasa na may chocolate drink kanina. Umalis muna ako sa table nila at kumuha ng panibagong maiinom, sunod ay bumalik din ako ro'n.
"How's your day, Juliet?" tanong ni Zack. Nakangiting humarap ako sa kan'ya at sinandal ang ulo ko sa balikat nito.
"Huwag na kayong pumunta ng ibang bansa sa susunod, hindi ko natuturuan ng maayos ang anak mo," sambit ko. Natawa ito kaya inalis ko na ang ulo ko sa balikat niya.
"Wala akong magagawa, ang nanay niya ay busy sa trabaho. Kung pwede nga lang na ikaw na lang ang nanay nito, edi sana hindi na kami pabalik-balik ng bansa." Binatukan ko siya dahil doon. Nakangusong napakamot naman ito, ngunit nang-aasar ang tingin niya.
"Tigil-tigilan mo ako, Zack. Baka isumbong kita sa misis mo! Mas malaki ang tiwala niya sa'kin, kaysa sa'yo. At huwag na huwag kang mambabae, sinasabi ko sa'yo, ako mismo sisipa ng dinadala mo," banta ko sa kan'ya. Nanlaki ang mata nito at napatingin sa ibaba niya, kaya nginisian ko siya at tinasaan ng isang kilay.

BINABASA MO ANG
Till I Met You
RomanceJulianna Antonietta Guerrero, isang estudyante sa kolehiyo na hindi maalam makisalamuha at magtiwala, lalo pa't higit sa mga kalalakihan. Isang ordinaryong babae lamang si Juliet kung tutuusin, siya rin ay matalino, masipag at kaniyang gagawin ang l...