Chapter 6.
Nag-aayos na ako ng gamit ko ngayon dahil naubos ko na ang gamot na sinasabi ng doctor kanina, kaya lumabas muna si Romeo upang bayaran ang bill. Kahit hindi ako sang-ayon ay hindi na ako nakipag-away sa kan'ya kanina, mas'yado s'yang mapilit."All done?" tanong niya nang makabalik. Tumango ako at inalalayan pa ako nito sa paglalakad kahit naiilang ako.
Hindi ba s'ya uncomfortable?
"Okay na naman ako, kaya ko na ang sarili ko." Umiling ito at kinuha sa akin ang bag ko.
"No, kailangan mo magpahinga. Also, it's my responsibility to take care of you. Tara na sa kotse, hahatid kita sa inyo," sambit nito. Nauna na s'yang maglakad sa akin, habang ako ay hindi makapaniwalang tinititigan s'ya.
Parang noon lang, ang sama niya sa akin. Tapos ngayon? Sobrang kulit.
Hinayaan ko na lang s'yang gawin iyon dahil alam ko naman na hanggang ngayon ay guilty pa rin siya. Nang makarating kami sa labas ay 'agad n'yang nilagay sa kotse nito ang bag ko at binuksan ang front seat.
"Tara na." Natigilan ako dahil ro'n. Hindi ko maigalaw maski paa ko upang tumahak doon.
"Tatayo ka na lang ba? Tara na, gabi na," masungit na wika nito, at hinawakan ang kamay ko kaya napatalon ako ro'n. 'Agad ko namang binawi iyon. Napatingin siya sa kamay ko at sa akin, sunod ay nagbuntong-hininga ito.
"I'm sorry. Gusto na kasi talaga kitang mai-uwi sa inyo para makapagpahinga ka na. Baka nag-aalala na ang kamag-anak mo," paliwanag nito. Napatingin ako sa kan'ya dahil doon.
"Wala na akong kamag-anak, mag-isa na lang ako." Nakita kong natigilan ito habang nakatingin sa akin, kaya nginitian ko siya at pumasok na ako sa kotse nito.
Mga ilang sigundo lang ay isinara na nito ang pinto at siya naman ang pumasok sa kotse nito. Walang salitang binuhay nito ang makina, at ilang saglit lang ay pinaandar niya ito.
Habang nasa gitna kami ng byahe ay hindi ko maiwasang titigan siya. Nakahawak ang isang kamay nito sa bibig niya at kinakalikot iyon, habang ang kilay nito ay magkadikit at ang mata niya ay tutok na tutok sa daan. Tila malalim ang iniisip niya, kaya ako na ang gumawa ng paraan upang maputol ang katahimikan sa amin.
"Okay ka lang? Kanina ka pa tutok na tutok sa daan, hindi mo naman alam kung saan ako ibababa," sambit ko. Saglit na napatingin ito sa akin at inayos na ang upo niya, sunod ay umubo ito na parang inaayos ang boses nito.
"Iyong sinabi mo kanina... totoo 'yon? B-Bakit? Paano?" sunod-sunod na tanong nito. Napangisi ako dahil tama ang hula ko kanina, mas'yado s'yang nagulat sa balita ko kaya natigilan ito.
"Noong kumpleto kami, tinakwil ng pamilya nila si mama at papa. Walang gustong makasama kami, walang gustong tulungan kami. Para silang nandidiri sa pamilya namin, kahit wala kaming ginagawang masama," panimula ko. Kahit patuloy siya sa pagmamaneho ay alam kong nakikinig ito dahil sa palipat-lipat n'yang tingin sa akin at sa kalsada.
"Hanggang sa... iwan din kami ni papa. Sumama rin siya sa iba, nambabae. Partida, bata pa ako noon ha? Hahaha," mapait kong sambit. Tila bumabalik ang mga araw na nagpawarak sa puso ko.
Ang sakit. Ang sakit-sakit na tatay ko pa mismo ang unang wawarak ng puso ko.
"Ayun, hanggang sa tumanda ako at natigil sa pag-aaral dahil iniwan din ako ng nanay ko, tulad ng sinabi ko sa'yo kanina. Ako na lang bumububay sa sarili ko kaya ako nagtatrabaho, at isa pa, isang boarding house ang tinutuluyan ko. Kaya tara na ro'n dahil inaantok na ako," pagsisinungaling ko.
Ang totoo, gusto ko na naman umiyak pero nag-aalala ako sa sarili ko, baka sumpungin na naman ako. Matagal na akong walang inhaler kaya mahirap na. Gusto ko na lang umuwi upang makapag-pahinga at maitulog ang lahat ng sakit ko.

BINABASA MO ANG
Till I Met You
RomanceJulianna Antonietta Guerrero, isang estudyante sa kolehiyo na hindi maalam makisalamuha at magtiwala, lalo pa't higit sa mga kalalakihan. Isang ordinaryong babae lamang si Juliet kung tutuusin, siya rin ay matalino, masipag at kaniyang gagawin ang l...