Chapter 5.
Masayang gumising ako dahil sa wakas, walang pasok at sabado ngayon. Hindi ko nalaman ang araw dahil sa mga kaganapan na nangyari.At hindi ko rin makalimutan ang panloloko sa'kin ni Zack. Oo nga't hindi kami malapit sa isa't-isa, pero nais kong malaman kung intensyon niya bang magsinungaling o hindi?
Ay, ewan.
Hindi ko na lang s'ya inisip at nag-asikaso na lang ako ng sarili. May lakad akong pupuntahan kaya dapat ay hindi ako ma-late.
Nang makapunta ro'n ay masayang pumasok ako at binati sila. "Good morning, Young and Free Café!" pagbati ko sa kanila. 'Agad na nginitian naman ako ng amo naming babae at may ibinigay na sobre.
"Good morning, Juliet. Ayan ang sweldo mo last month, alam ko kasing kailangan na kailangan mo iyan dahil napasok ka na sa isang university." Masayang tumungo ako kay ma'am at nginitian siya.
"Sobrang thank you po. Hulog kayo ng langit," wika ko. Natawa naman siya at may kinuha ito sa bag niya.
"Oh s'ya, kayo na muna ang bahala rito. May meeting pa akong pupuntahan," aniya. Nag-bow muli ako at kinawayan siya.
"Paalam, Miss Arrheya!" Nakangiting pumunta ako sa pinaka-loob at nagbihis ng uniform namin, nagtali rin ako ng buhok ko at sinoot ang sumbrelo namin, pagtapos ay lumbas na ako upang asikasuhin ang mga customer namin.
Mahigit isang taon na akong nagtatatrabaho sa cafe na ito. Sa katunayan ay si Miss Arrheya ang una kong pinagkatiwalaan. Napakabait kasi n'yang nilalang. Siya ang nag-aya sa akin na mag trabaho rito sa cafe niya, noong sa kalsada pa lamang ako at pakalat-kalat. Kaya kung hindi siya dumating noong araw na 'yon ay baka hanggang ngayon, gusgusin, walang tirahan, walang makain at hindi ako makakapag-aral ngayon.
Tanghali na at padami na nang madami ang cutomer namin. Kaya kahit pagod at nagugutom na ako ay todo kilos pa rin.
"Table 13 'yan," wika ni Jane, ang isa sa nag-aasikaso sa mga order. Tumango ako at inilagay ko na sa trail ko ang kape at tinapay. Sunod ay pumunta na ako sa table na kan'yang sinasabi.
"Here's your order, ma'am." Tinanguan lang ako n'on at may ibinigay na tip.
"Maraming salamat po," sambit ko. Maarteng tumingin ito sa akin at sinuri ako mula ulo hanggang paa.
"No worries, it looks like you badly need that tip. What a shame." Hindi ko na lang pinansin 'yon at umalis sa harap niya.
Normal na sa aking masabihan ng gano'n, sanay na rin ako. Hindi naman na ako nasasaktan at nahihiya. Bakit ko ikakahiya ang pagiging mahirap? Wala namang masama ro'n. May bukal na puso ako at maayos na pag-iisip. Ang iba ngang mayaman ay kawalan ang utak. Ang iitim ng buthi. Kaya bakit ko ikakahiya na mahirap ko, kung ito ang dahilan kung bakit ganito ang katauhan ko.
"Good afternoon, Sir. What's your order?" Nang makita ko ang orasan ko ay pumasok muna ako sa loob at nag-pahinga.
"Juliet! Ang gwapo ng customer na nasa labas!" sigaw sa'kin ni Jane. Hindi ko siya pinansin at uminom na lang ng tubig.
Hindi ko alam kung bakit gan'yan silang mga babae. Ang hihilig sa gwapo, pero kapag sinaktan ay iiyak-iyak at susumpa pa. Dibale na lang kung gwapo na, mabait pa, at higit sa lahat ay hindi manlokoko. Baka kiligin pa ako.
"Tigil-tigilan mo nga ako. Labas na ako," paalam ko rito. Sinimulan ko ulit ang pag-aasikaso at pagpupunas ng lamesa tuwing umaalis ang costumer.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas nang tawagin ako ni Jane. "Juliet, table 21." Pumunta na lang ako sa kan'ya at tumango, sabay kuha ng order.

BINABASA MO ANG
Till I Met You
RomantizmJulianna Antonietta Guerrero, isang estudyante sa kolehiyo na hindi maalam makisalamuha at magtiwala, lalo pa't higit sa mga kalalakihan. Isang ordinaryong babae lamang si Juliet kung tutuusin, siya rin ay matalino, masipag at kaniyang gagawin ang l...