Chapter 7.
Masiglang pumasok ako at may ngiti sa labi nang umupo ako sa aking pwesto. Napansin iyon ni Jrose kaya 'agad niya akong binigyan ng mapanuksong tingin."Naku! Ang gan'yang ngiti ay delikado," panimula nito. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa ko sa libro. "In love ka ano?" Natigilan ako sa binabasa ko dahil sa kan'yang tanong.
"Nako! Sinasabi ko na nga ba! Sino 'yan ha?" panunukso nito. Hindi ko siya pinansin at mas binigyang pansin ang libro.
Ako? In love? Ganito ba 'yon? Hindi ko rin alam kung sino.
"Ka-swerte naman ng lalaking iyan at nabingwit ang matigas mong puso," pagbibiro niya at tumawa pa ng malakas.
"Tigil-tigilan mo nga ako. Mag-review ka na lang at exam natin mamaya," pagsusungit ko. Binigyan ako nito ng hindi kanais-nais na itsura at dinilaan ako. Napa-irap na lang ako ro'n at pinagpatuloy ang pagbabasa sa libro.
"Nakakabilib talaga si Juliet! Akalain mo na siya lang ang mataas ang score sa amin? Hahaha!" sambit ni Jrose. Nandito muli kami sa court at nakatambay. May ilang mga babae rin na tumabi sa amin, kung kaya't may kadaldalan itong si Jrose.
Nasaan kaya siya?
"Alam mo kasi, kung sinasabi mo kung sino iyang hinahanap mo na nasa isip at puso mo, edi sana ay natutulungan kita diba?" mungkahi n'yang muli. Tiningnan ko siya at ang iba pa naming kasama, mga busy sila sa pakikipag-usap.
"Wala," sagot ko. Binigyan niya muli ako ng mapanuksong tingin kaya nilapat ko ang dalawa kong daliri sa noo nito at tinulak siya gamit iyon.
"Kumain na nga lang tayo, nagugutom na ako." Nagkibit-balikat lang ito at inempake na ang gamit namin. Gano'n din ang ginawa ko, at nang paalis na kami ay sinulyapan kong muli ang court.
Wala siya... nasaan kaya iyon?
Nakapalumbaba akong nakatingin sa labas habang nandito kami sa canteen. Ramdam kong kanina pa ako tinitignan ni Jrose, ngunit hindi ko ito pinapansin at pinagpapatuloy lang ang pag-tingin doon.
Nasaan ba kasi siya? Ang sabi niya kahapon ay sasabay daw ulit siya sa aming mag-tanghalian. Pero tanghali na, hindi ko manlang siya nakita buong umaga hanggang ngayon.
"Kanina pa ako kating-kati na tanungin ka dahil sa iniisip mo. Sino ba kasi?" tanong ni Jrose, dahilan upang matigil ako sa pagmumuni ko. Nakangusong humarap ako rito at napabuntong-hininga.
"S-Si Romeo, hindi ko siya nakita buong umaga hanggang ngayon. Diba sabi niya kahapon ay sasabay s'yang muli sa atin? Pero bakit wala siya?" pahayag ko. Tumango lang siya ro'n at hinawakan ang baba nito, na tila ay nag-iisip.
"Base sa nalaman ko kanina, hindi rin daw nila nakita si Romeo na pumasok. Baka may sakit?" Napatingin lang ako rito.
Sakit? May sakit? Paano? Bakit? Saan niya ba nalalagap ang balitang iyon, napaka-chismosa talaga nito.
"Hindi ako kumbinsido e. May kutob akong iba pa," wika ko. Nagtatakang tumingin naman ito sa akin at hinihintay ang sagot ko.
"Don't tell me... omg!" Nagulat ako sa malakas na sigaw nito, kaya 'agad ko s'yang nilapitan at nilakihan ng mata.
"Ano? Ano 'yon?" Nakahawak pa ito sa bibig niya na tila, gulat na gulat at may hindi inaasahan.
"Kay Romeo ka... in love?! Omg, Juliet!" Tinakpan ko ang bibig nito, dahil sa lakas ng sigaw niya ay pinagtitinginan kami ng tao.
Pilit n'yang inaalis ang kamay ko sa bunganga niya kaya sinenyasan ko itong huwag maingay. Sunod ay dahan-dahan kong tinatanggal sa bibig nito ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
Till I Met You
RomanceJulianna Antonietta Guerrero, isang estudyante sa kolehiyo na hindi maalam makisalamuha at magtiwala, lalo pa't higit sa mga kalalakihan. Isang ordinaryong babae lamang si Juliet kung tutuusin, siya rin ay matalino, masipag at kaniyang gagawin ang l...