Chapter 2

39 9 9
                                        

Chapter 2.


Kinabukasan ay nag-madali na 'agad ako umalis sa boarding house at nag-tungo 'agad sa school upang gumawa ng sariling report.

"Miss, saan ang library n'yo rito?" pag-tanong ko sa babaeng nakasabay ko sa pag-pasok.

"Ah. Sa kabilang building 'yon, sa dulo tapos kakaliwa ka. Kapag may nakita kang malaking pinto, ayun na ang library namin," salaysay nito. Napangiti ako dahil sa kan'yang sinabi, mabuti na lang at hindi s'ya katulad ng iba na masama ang tingin sa'kin.

"Maraming salamat." Tumango rin ito at pumunta sa ibang direksyon. Habang ako ay hinakbang na ang paa, patungo sa kan'yang sinabi.

Pagliko ko sa hallway ay nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa nakita.

"Ang laki," namamangha kong saad. Totoo ngang malaki ang pinto na sinasabi niya, at tila ito na yata ang dulo dahil wala ng iba pang likuan ito.

"Oh, bago ka? Anong gagawin mo rito at ke-aga-aga mo?" tanong sa'kin ng babaeng may katandaan na sa tingin ko ay siya ang namumuno rito.

"Mag-aaral ho at kailangan ko iyong i-report sa aming guro mamaya," sagot ko. Naningkit pa ang mata nito sa'kin bago tumango at tinignan ang ID ko.

"Sige, pasok." Tumango ako roon at inilibot ang tingin sa kabuuang lugar na ito.

Hindi ako makapaniwala na may ganito pa palang kalaking lugar sa mundo, at sa paaralang ito pa 'yon. Kagabi ay nag-search ako about dito, at doon ko lang nalaman na private ito. Nag-taka rin ako kagabi kung paano ako nakapasok dito dahil mahal ang tuition fee ngunit, naalala ko na nag-take nga pala ako ng exam at isa ako sa mga nakapasa.

Dahil sa pagod at nakakahilong pag-libot ng aking mata, napag-desisyonan kong hanapin muna ang libro na aking aaralin bago maghanap ng mapag-p-pwestuhan.

Ilang saglit lang ay nahanap ko rin ito kaya sinimulan ko na rin maghanap ng pwesto. Nang makahanap ay tatahak na sana ako roon nang may biglang dumaan sa harap ko, dahilan upang mahulog ang mga librong hawak ko kanina.

Nakakainis na! Ang malas ko.

Yumuko na lang ako at dinampot iyon. Sa kalagitnaan ng pag-pulot ay may nakita akong kamay na dumadampot din, kaya tinignan ko ito.

"Let me help you," wika niya. Hinayaan ko na lang muna iyon at nang madampot na lahat ay parehas kaming tumayo.

"Akin na, salamat pala," sambit ko sa kan'ya. Matamis na ngumiti lang ito at tumango.

"Saan ang pwesto mo? Tulungan na kita, ang dami nito oh." Tukoy niya sa libro na hawak nito, ngunit umiling ako at pilit kinukuha sa kan'ya iyon.

Hindi ko kailangan ng tulong ng iba. Kaya kong tumayo sa sarili kong paa na walang nakaalalay.

"Are you sure?" Tumango na lang ako sa tanong niya at tinalikuran ito. Nang makaupo na ako at mailapag ang mga libro ay pasimpleng tinignan ko siya. Mukang nanghinayang siya kaya nilayo ko na ang tingin ko.

Babae siya, pero hindi pa rin dapat ako mag-tiwala sa sino-man dito. Tanging sarili ko lang ang pinagkakatiwalaan ko't inaasahan ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa, nang biglang may umupo sa katapat ko at nang sinulyapan ko iyon ay siya na naman.

"Hi! Filipino major ka diba?" tanong nito. At dahil nga tutok na tutok ako sa binabasa ko ay hindi ko s'ya sinagot.

"Ay dedma? Anyway, parehas tayo. Actually ay mag-kaklase tayo, kaso absent ako kahapon kaya hindi kita nakita. Nalaman ko lang sa gc namin na may bago kaming kaklase kaya pumasok na ako ulit para makilala ka," pagsalaysay nito. Sa ingay niya ay nawala ako sa focus, at hindi ko na naintindihan ang binabasa ko ngunit, ayoko s'yang kausapin kaya napag-desisyonan kong mag-sulat na lang muna.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon