Chapter 4.
Tamad na bumangon ako nang marinig ang pagkatok sa aking pinto, kaya binuksan ko iyon at nakataas na kilay na si Manang ang bumungad sa'kin."Anak ka ng–may naghahanap sa'yo! Kanina pa ako katok nang katok, ang kupad mo talaga!" hiyaw nito sa'kin. Napakamot na lang ako sa buhok ko at tinignan ang labas.
Wala naman.
"Sino ho ba?" tanong ko. Magsasalita na sana ito nang biglang may sumigaw sa gilid namin, bandang kanan kung nasaan ang sofa.
"Juliet!" Nanlaki ang mata ko nang makita si Jrose na papalapit sa'kin.
Anong ginagawa niya rito?!
Bago pa siya makalapit sa'kin ay dali-dali ko s'yang sinaraduhan ng pinto. Ayokong makita niya akong nasa pajama at sando lang, tapos ay magulo pa ang buhok– habang siya ay ayos na ayos sa katawan.
"Juliet! Ba't mo ako sinaraduhan?" tanong nito mula sa labas. Ni-lock ko ang pinto at sinagot siya.
"Saglit lang!" Dali-dali kong kinuha ang tuwalya ko at tumakbo sa banyo.
"Hahaha! Totoo, okay lang talaga sa'king makita kang ganoon. Babae rin naman ako 'no!" biro nito. Nandito kami sa isang 7/11 at nagpapalamig. Mas'yado ata kaming napa-aga ng pasok dahil sarado pa ang school namin.
"Kahit na, nakakahiya pa rin. At saka, ano ba ang ginagawa mo sa ro'n kanina? Kailan at saan mo nalaman na roon ang tinutuluyan ko?" tanong ko sa kan'ya. Kunyaring nagiisip pa ito, ngunit nakangiti siya at sabay higop ng kape niya.
"Pauwi na kasi ako kahapon at hinahanap kita, then nakita kong may kausap kang lalaki. Nang umalis na siya ay sinundan kita, using my car... then taran! I found your place. Ang talino ko 'no?" Nasapul ko na lang ang noo ko dahil sa kakulitan niya.
Alam kong hindi dapat ako magtiwala sa kan'ya, pero bakit ganoon? Unti-unti na yatang lumalapit ang loob ko sa kan'ya.
"Nga pala, malapit kayo sa isa't-isa ni Zack?" Nagtaka ako sa binanggit nito.
Zack? Oh! Naalala ko na, ayun nga pala ang ngalan niya.
"Not that much. We just bumped to each other, noong unang araw ko sa campus n'yo." Tumango-tango lang ito at hinigop muli ang kape niya. Habang ako ay tinatandaan ang mga sinabi n'ya kahapon.
Gusto n'ya akong makausap lagi? Psh! As if naman na gusto ko rin? Teka, gusto ko nga ba?
"Ay! Ay! Ang gan'yang ngiti, may meaning!" Naputol ang pagiisip ko nang tuksuin ako ni Jrose. Doon ko lang rin napansin na nakangiti pala ako.
"Ha? Sinasabi mo? Uminom ka na lang d'yan!" giit ko. Umiling-iling na lang ito kaya nilakihan ko s'ya ng mata.
Kung ano-ano ang nakikita.
Nandito na kami sa loob ng room at nakikinig sa anunsyo ng guro namin.
"Bago ko sabihin ang anunsyo ko, nais ko munang pasalamatan at palakpakan si binibining Guerrero. Congrats at nanalo ang pangkat n'yo, salamat din dahil binigyan mo nang chance ang debate na iyon. Palakpakan natin si binibining Guerrero!" Nang magpalak-pakan sila ay nahihiyang tumango lang ako sa guro namin.
"Okay, heto ang anunsyo natin. May proyekto tayong gagawin. Ano iyon? Gumawa kayo ng salaysay upang manghikayat ng tao tungkol sa 'Pagbabago'. Individual ang proyektong ito at may anim-napu't minuto lamang kayo upang gawin iyon. Pagtapos ay babasahin niyo ang salaysay sa harap," panimula nito. Tumingin ito sa lahat at ngumiti. "Ayun lamang, maaari niyo nang simulan." Inilabas ko na ang yellow pad paper ko at isinulat ang paksa at laman niyon.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
RomanceJulianna Antonietta Guerrero, isang estudyante sa kolehiyo na hindi maalam makisalamuha at magtiwala, lalo pa't higit sa mga kalalakihan. Isang ordinaryong babae lamang si Juliet kung tutuusin, siya rin ay matalino, masipag at kaniyang gagawin ang l...