Chapter 1

55 12 16
                                        

Chapter 1.


"Mag-iingat ka lagi, anak..."

"Ma!" Nagising ako mula sa isang panaginip. Panaginip na aking tinatakasan simula noon hanggang ngayon.

Sadyang, ayoko lang alalahanin ang lahat. Ang lahat ng tungkol sa kanila, lalo na sa kan'ya.

"Juliet? Kakain na raw tayo, halika na sa baba." Narinig ko mula sa labas. Kinusot ko muna ang mata ko at tinignan ang oraran.

6:00am na.

Sinimulan ko na bumangon at 'agad dumiretso sa banyo upang ihanda ang sarili. Nang matapos ay nag-soot ako ng simpleng puting t-shirt at pantalon lamang at rubber shoes. Habang ang aking buhok ay nakatali.

Nang maayos ko na ang sarili ay kinuha ko na ang aking gamit at lumabas na sa kwarto ko upang mag-umagahan sa baba. Ngunit, pag-dating doon ay nagsisimula na silang kumain at puno na ang lamesa, kaya't kumuha na lang ako ng tinapay at nag-baon.

"Oh, hindi ka manlang kakain?" mataray na tanong ni Manang. Tinapunan ko lang ito ng tingin, pati na rin ang mga nakain sa lamesa.

"Hindi na, mukang kulang pa sa inyo 'yan. At saka, papasok na ako. Bye." Humakbang na ako paalis mula sa lugar na iyon, at hindi ko pinansin ang mga tingin nila sa akin.

I don't care. Nawala naman lahat ng pake ko, simula nang gabing iyon.

"Miss, tabi!" Nagulat ako sa sigaw na narinig, kaya't nagising ako sa palaisipan ko at naihulog ko pa ang mga libro na hindi ko namalayang hawak ko.

"Ano ba! Kung magpapakamatay ka, ro'n ka sa tulay! Bwisit," masungit na saad ng isang lalaki na sakay ng motor. 'Agad din namang umalis iyon, at doon ko lang napagtanto na muntik na ako masagasaan.

Gosh! Gising, Juliet!

Nagpatuloy na lang ako sa pag-lalakad, dahil baka magkaubusan na naman ng jeep. Nang makarating sa sakayan ay maraming tao na nag-aabang din ng jeep ang sumalubong sa akin, kaya't pumuwesto ako sa pinakaunahan.

"Ang init," reklamo ko sa sarili. Tagaktak kaagad ako ng pawis, at ang init-init ng panahon. Nakakahilo. Habang nag-papaypay ako ay may napansin akong jeep na paparating kaya pinuwesto ko na ang bag ko sa unahan at inihanda ang sarili.

"Oh, sakay na!" Dali-dali akong tumakbo ro'n at nakipagsiksikan at tulakan sa mga kasabayan kong sumasakay din ng jeep. Bandang huli, ay nakapasok din ako.

Ngunit... may katabi akong malaking tao, kung kaya't nasisiksik ako nito. Sumabay pa ang pag-taas niya ng kaniyang kilikili na basa, dahilan upang takpan ko ang aking ilong.

May putok! Ang baho, huhu. Ang malas naman!

Hindi ko na lang inintindi masiyado iyon at mas tinuon ang pansin sa kalsada. Ilang minuto lang ay sa wakas nakarating na ako sa aking destinasyon, kung kaya't bumaba na ako mula sa jeep.

"Ang laki nito, saan ko hahanapin ang room ko?" Sinuri ko ang kabuoan ng paaralan ng aking pinasukan. Unang araw ko ngayon dito, kung kaya't hindi ko alam kung saan ang aking pupuntahan.

"Bahala na si batman." Pumasok na lang ako ro'n at nag tanong-tanong sa mga estudyante roon.

"Class, may bago kayong classmate. Please, introduce yourself," sambit ng teacher sa akin. Nandito kami ngayon sa harapan ng classroom, kung saan nakikita ko ang mga estudyante.

"Uh... hi? I'm Julianna Antonietta Guerrero, Juliet for short. A 21 years old silent girl. Why silent? Dahil, hindi ako pala-kaibigan na tao, but please interact with me and guide me while I'm adjusting myself here, in your school. That's all," pagbati ko sa kanilang lahat. Tumungo na rin ako at tinuro ng teacher kung saan ako uupo. Pupunta dapat ako ro'n nang biglang may nagsalita.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon