Chapter 3

31 8 8
                                    

Chapter 3.
   
   
Kinabukasan ay maaga muli akong pumasok at tumunganga sa bintana. Kokonti pa lang ang mga estudyante kaya tahimik pa ang paligid. Mabuti na rin iyon, dahil kailangan ko magisip-isip.

"Sa ngayon, tayo na lang dalawa ang magkasama. Huwag mo rin ako iiwan, Juliet ha?" Inalog ko ang ulo nang maalala na naman ang sinabi ng Ina ko. Napangisi na lang ako dahil sa kasinungalingan niya.

Hindi iiwan? Kaming dalawa ang magkasama? Ha! Pero noong walang-wala na kami ay iniwan niya ako at sumama siya sa mas maperang tao. Hindi ako makapaniwala sa ugali ng Ina ko.

"Juliet!" Nagising ako sa realidad nang marinig ang maingay na sigaw ni Jrose sa'kin. Para s'yang batang tuwang-tuwa na natakbo sa direksyon ko.

Naiintindihan ko naman na first year college pa lang kami at hindi maiiwasan maging isip-bata minsan, pero sana ay bawasan nila. Hindi na ba sila nahihiya na sa ganoong edad ay ganoon ang pag-uugali nila?

"Ang ingay mo," pagsusungit ko rito. Nakita ko na napanguso na naman ito kaya umupo na lang ako sa pwesto ko't nagbasa ng libro.

"Ang aga-aga, ang sungit mo! May ibabalita lang naman ako sa'yo eh." Tiningnan ko lang ito at hinintay ang sasabihin niya.

"Ano ba 'yon?" Ngumiti ito at umaaktong nagtatambol sa desk ko.

"Ikaw daw ang isasali nila sa debate mamaya!" anunsyo nito, na nakapag-patigil sa'kin. Hindi ko mai-proseso sa aking utak ang kan'yang sinabi.

D-Debate? Hindi ko alam kung kaya ko iyon...

"B-Bakit daw ako?" tanong ko sa kan'ya. Hindi ko talaga alam ang aking gagawin, maski ang aking ire-react doon ay hindi ko alam.

"Ayan din ang tanong ko, Miss Guerrero. Bakit ikaw? Gayong bago ka lang dito at hindi ka nakapag-handa sa proyektong ito," mungkahi ng aming guro. Lumapit ito sa'kin habang may ngiti sa labi.

"Pero–anong oras po gaganapin ito?" tanong ko.

"Mamayang ala-una sa stage, hija. Pasensya ka na at hindi ko 'agad nasabi ito sa'yo. Kung hindi kasi nag back-out ang dapat na nandoon mamaya ay baka hindi ka napasali. Ikaw ang napili nilang pumalit dahil sa marka mo noong nag entrance exam ka rito, at noong ginawa mo ang report mo. Kaya sana ay bigyan mo ng chance ito, para sa paaralan hija," salaysay nito. Tiningnan ko si Jrose–nakangiti ito at tumatango sa'kin at ang guro namin ay ganoon din.

Kahit hindi sigurado ay tumango ako. "Susubukan ko ho ang aking makakaya." Tila nanalo sa jackpot ang dalawa dahil parehas pa silang nag-apir. Habang ako ay iniisip kung tama ba itong gagawin ko.

Nandito na kami sa lugar kung saan gaganapin ang paligsahan na aking sinalihan kahit ako ay hindi sigurado ro'n.

"Huminga ka lang ng malalim, hija. Mananalo ang pangkat niyo kung magtitiwala ka lang." Tumango lang ako sa sinabi ng aming guro at pumunta sa aking pangkat.

"Ikaw si Juliet? Galingan natin ha? Manalo o matalo, ang mahalaga ay nagtiwala tayong tatlo. Good luck sa'tin," masayang sambit sa'kin ng babaeng kasama ko. Tumango na lang ako kahit hindi ko komportable sa kaniya at nararamdaman ko na ang kaba.

"Isang magandang araw sa inyong lahat, lalo na sa mga ating kalahok ngayong araw. Masasaksihan natin ang mga galing na ipapamalas sa pamamagitan ng sagutan o balagtasan. Bago natin simulan ang paligsahang ito ay nais ko munang ipakilala sa inyo, ang mga naggagalingang kalahok na lalahok sa ating paligsahan," pagbati ng tagapamagitan. Napalunok na lang ako at tumingin sa aking kanan–kung nasaan si Jrose.

Itininataas nito ang kamay at tila pinapalakas ang loob ko, kaya tumango na lang ako ro'n at nag-focus na lang sa unahan.

"Sa aking kaliwa ay inyong makikita ang mga ginoong kalahok. Maaari niyo bang sabihin ang ngalan niyo?" sambit niya ro'n. Isa-isa namang nagpakilala ang mga lalaki at sinabayan iyon ng matinding ingay ng mga babae.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon