Chapter 12: QUESTION
WARNING!
Mature Content.
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyaring tagpo sa mismong kaarawan ni Tita Yrel ngunit sariwa pa din iyon sa aking alaala. The feeling of Maria transferring her weight to me and how we fell on the ground was still fresh in my memory. Nakarinig ako ng sigawan sa paligid ngunit nakatulala lang ako at hindi alam ang susunod na gagawin. Mabuti na lang at mabilis na nakabawi si Dominic kaya agad niyang binuhat si Maria upang isinugod sa hospital.
Nang nasa biyahe kami, Maria's nose still wouldn't stop bleeding even if she was unconscious. At kahit na ganoon, it was still shocking for me to see her skin turn pale as white. Panicking, I took my handkerchief from my sling bag to catch her blood just to stop it. I breathed a sigh of relief when we finally arrived at the nearest public hospital.
Nakayakap sa akin noon si Tita Yrel habang umiiyak at nagdadasal na sana'y maging maayos si Maria. Nakatulala lang ako ng mga oras na iyon at hindi maipaliwanag ang takot na naramdaman ko nang makita ang mga naiwang mga bakas ng dugo ni Maria sa aking braso at damit.
I folded my hand on the top of my thigh to prevent it from shaking. Nag-angat ako ng tingin kay Hazel at pilit na ngumiti dahil sa nag-aalalang mata niyang nakatutok sa akin.
“I'm fine. Nangalay lang siguro sa pagsusulat kanina. Ang bilis kasing mag-salita at mag-explain ng prof namin, akala mo nagra-rap.” I shrugged and tried to joke.
“Are you sure?” paninigurado niya.
I forced another smile before nodding my head.
“Gusto mo bang ako na ang umorder ng pagkain nating dalawa? Maupo ka na lang muna diyan at magpahinga,” she suggested and stood up from her seat.
We decided kasi na kumain na lang sa Café sa loob ng Univ dahil mabilis na napuno ang loob ng canteen kanina.
“Really? Thank you.” Akmang kukuha ako na ako ng pera when she gestured her hand to stop me.
“No. Ako na.”
“No—”
“Mia, it's okay. Libre ko na ‘to sa ‘yo, okay? Magpahinga ka na lang diyan,” she said before leaving to take our order.
I took a deep breath. I rested my elbow on the table and cupped my forehead. I don't know what's happening to me. I feel scared for reasons I don’t know. It's like what happened to Maria triggered something inside me that caused my body to react this way. I feel scared.
I tightly pressed my eyes shut. I was able to force myself to calm down before Hazel came back to our table. Si Hazel na din ang siyang nag-ayos ng pinggan, tinidor, at ang naglagay ng straw sa sa aking inumin. It was just a simple gesture but it warms my heart.
“I hope na tama ang in-order ko for you.” She lowered her head. “Nakalimutan ko din kasing tanungin kung ano bang gusto mo.”
Nag-order siya ng Grilled chicken and Milk tea for me habang ang kanya naman ay Buffalo chicken and Frappe.
“No, it's okay. Sakto nga at ito ang in-order mo kasi I am craving for this,” I commented, a little surprised.
BINABASA MO ANG
The Heir's Retribution
RomanceMy Possession Series 2 On-Going || R-18 || Dark Romance
