#AtWhatPrice 11
“Remember to celebrate milestones as you prepare for the road ahead.”
– Nelson Mandela•••
I started my day with an exercise to release tension and give my body a boost of energy.
Drained ako this past few weeks so I terribly needed this. I did some cardio, and dancing. Kung afford ko talagang mag-flying yoga, matagal na 'ko nagpa-register.
Walang major classes ngayong araw, thankfully. I tried not to think about any school-related things.
After my terrible attempt to finish a full workout, I ate some hard boiled eggs. They are a convenient snack that provide protein and vitamins K2 and B12. I sliced them too and added to my caesar salad.
It was only in college I realized that exercise is important. One ways to relieve stress din talaga. I've seen how students try different outlets that work for them, 'yung iba nga lang mali ang nagiging desisyon sa buhay.
•••
Since wala akong pasok, I just really lazed around. Hindi ko namalayan 'yung oras sa tagal kong nakahilata.
Besides that, I'm feeling pretty good dahil tapos ko na lahat ng requirements ko. Ansaya lang.
Bandang hapon, nag-ayos na ako.
"Ma, I'll go na." paalam ko.
"Yung overnight? Sige. Ingat kayo." she nodded. Nagpatuloy siya sa pagplantsa ng mga damit ng mga kostumer niya.
Maluwag sila sa'kin dahil wala naman akong binibigay na problema sa kanila.
Sakto naman ay dumating ang tatay ko. Nagtaka siya kung bakit bihis na bihis ako. "San ka pupunta?"
"Kina Margot."
"Hatid na kita."
"Ha? Wag na." Alam kong pagod ito sa pagda-drive. Ang layo lagi ng mga service nito. Kinukuha siya ng mga kakilala niya tuwing kailangan ng mga ito ng service sa malayo. Kapag walang schedule na ganon ay kumikita naman siya dahil isa siyang Lalamove driver.
Parehong ginagapang ng mga magulang ang buhay namin. Kaya hindi ako pwedeng magpetiks sa pag-aaral lalo na't libre ang edukasyon ko.
"Sige na, anak. Hanggang sa boundary lang. Mahihirapan kang sumakay pag ganitong rush hour."
Pumayag ako. I will go to the Diaz mansion in Makati. Mag-oovernight kami. Wala naman daw ang mga magulang ni Margot. Kung andoon, malamang hindi niya kami aayain dahil badtrip lang siya palagi dahil sa kanila.
Kasama din namin tonight si Nailea. She's been a great addition to our dynamic lately. Hindi nga lang nakikinig sa advices namin.
Nang binaba ako ng tatay ko, nag-grab ako papunta sa kanila. When I reached the village, I showed my ID since this is a heavily-guarded village. From afar, I saw Margot waiting for me with her dog.
"Arf!" A freaking huge white dog, which is named Milo. I caressed his fur. Anlaki naman nito, pwede akong daganan.
"Mukha kang fresh kahit daming bashers ah." tudyo ko sa kaniya.
May social media personality kase na nagda-drag sa kaniya dahil sa mga opinions niya. As usual, it caused an uproar. Thank God Margot didn't reply to that girl's antics.
She only rolled her eyes. "Kabit na nga, apolitical pa! Not worth it kausapin ang mga ganon."
I laughed loudly. "Pahingi daw ng clout mo."

BINABASA MO ANG
At What Price (Completed)
ChickLitAn aspiring accountant, aspiring doctor, and soon-to-be heiress. This is a light college story of misadventures and mishaps in reaching their dreams.