No Entry #5

2.3K 56 0
                                    

Isang buwan na kaming magkakaibigan ni Dan. Isipin niyo yun? Haha pero may takot akong nararamdaman.

Dahil....gusto ko na yata siya.Oo yun ang pinakamaling move ko.Na gustuhin siya saka kaibigan lang ang turing niya sa akin.

Karma ko na yata toh.Sa mga pinaggagawa ko sa mga lalaking richkid na nanliligaw sa akin.

Andito ako ngayon sa rooftop. Nagmu muni muni. Sh*t kailan kong kalimutan ang nararamdaman ko! Kung gusto kong manatiling magkaibigan kami ni Dan!

Flashback

1st Saturday

Pumunta talaga si Dan sa bahay at sinundo ako. Gamit ang bisekleta niya. Tuwang-tuwa ng kapatid ko na halos na lang gawin niyang totoong kuya si Dan.

Umangkas ako sa likod ng bisekleta at nahihiyang yumakap sa kanya.

" Humawak ka ng maiigi o yakapin mo na lang para hindi ka mahuhulog."

Sabi niya kaya yumakap ako sa kanya.Naiilang ako nun lalo ng naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Hanggang sa makarating kami sa Amusement park.Siya ang nagbayad dahil hindi naman daw kami gagastos sa pagkain dahil may libre.

Nagroller coaster kami at sinakyan lahat ng mga rides.Nang nakaramdam na kami ng gutom ay naglakad kami ng konti at pumasok sa isang restaurant na may nakalagay ng tarpulin na " Free lunch if your a couple'"

Pagkabasa ko dun ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.Kaya napahawak na rin ako sa may parteng dibdib ko.

Oh! Tayo na! Sabi niya saka hinila niya ako sa may counter.

Siniko ko siya dahil para sa mga magcouples lang yung libre.

Oh ano ba?! Pikon niyang tugon sa akin.

Hindi tayo makalibre! Di tayo couples! bulong ko sa kanya.Pero ngumisi lang siya.

Anong hindi COUPLE TAYO uy! Saka hinarap ang counter at nag-order ng kakainin namin.

----

Sa pangalawang labas namin ay dinala niya ako sa mall. Akala ko may bibilnin siya pero mali ako. Pumunta siya dun para sumali ng singing contest.

Bakit mo ko isinama kung sasali ka pala sa singing contest? Pagtataray ko sa kanya.

Tsk.Para i cheer mo ko! sabi niya saka tumahak na papuntang stage.

Ano kayang premyo dito? Akala ko ayaw niya sa ganito?

May dalawang babae na kinikikig na tumitig kay Dan. Nakaramdam ako ng galit na sipaim at sampalin sila.

Kyaaaah! Bakit siya sumali eh celphone lang naman yung premyo! sabi nung isa.

Celphone?

Like duh. iphone 6 plus kaya.. sabi nung isa.

Ah.Nakuha ko na bakit sumali siya dah gusto niyang magkaron ng iphone.

Siya na pala ang kakanta.

Playing: El Bimbo

Magkahawak ang aking kamay
At walang ka malay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ma tunay.

Parang nabato ako sa kinatatayuan ko. Nang marealize ko kung ano itong nararamdaman ko.Ilang beses akong napailing at sinampal sampal ang sarili ko.Gusto ko siya..

Si Dan pa ang nanalo at masaya siyang kinuha ang iphone saka iniwagayway niya sa mukha ko.

Rina! Nanalo ako! Sobrang tuwa niya.Ay napayakap siya sa akin.

------

Pagkauwi namin ay panay sya kwento tungkol sa contest. Nag-offer pa daw yung mall na mag-gig daw siya dun.

Kaya tinarayan ko siya.Kaso kung iisipin.Hindi pa nga ako nakapunta sa gig niya ay marami ng nakandarapa sa kanha paano na lang pati na sa mall? Kung sisikat siya? Maiiwan akong nakanganga lang??! Ayoko nun! Tawagin niyo kong selfish pero ayoko!

Sige paalam na! Ay teka nakalimutan ko.Sabi niya saka kinuha niya sa bag niya ang iphone na nasa loob pa ng box.

Saka binigay niya sa akin.

Huh? Bakit binigay mo sa akin? sabi ko pero ngumiti lang siya.

Para sayo naman yan eh.Kaya sumali ako para may celphone ka na.Sabi niya saka lumapit sa akin at walang pasabing hinalikan ang pisngi ko saka tumakbo ng mabilis.

Naestatwa ako sa ginawa niya at napahawak na lang sa pisngi ko.Ramdam ko pa rin yung lambot ng labi niya.

Nakramdam ako na may nagvibrate.Inilabas ko sa box yung iphone at may nagtext pala.

From: Dan mo
Hindi ko tinanggap ang offer dahil alam kong magseselos siya.Saka sa kiss? :) Hindi ko yun sinadya pero gusto ko.Haha

Yun ang laman ng text niya kaya napangiti ako.Pagkatapos nun.Hindi na siya nagparamdam sa akin.Pinaasa lang niya ba ako??

Hindi nga niya ako pinapansin kapag nasa klase kami.Minsan naman absent siya.Marami na siyang absent at malayo na kami sa discusssion. Paano na lang siya?

Rich Kid NO ENTRY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon