Heather
"Dali mga ate!" Hila-hila kami ni Safaa.
"Wait lang naman." Angal ni Hailey sa kanya.
"Para sa unahan tayo makapwesto." Sabi ni Safaa habang hila-hila pa rin kami ni Hailey.
"Balikan na lang namin kayo, hon." Sabi naman ni Raze at inakbayan si Sky.
"Sige." Tango naman ni Hailey.
Nauna nang maglakad papasok ng mall yung dalawa. Panigurado maglalaro na naman sila.
"Bilis ate!" Sabi pa rin ni Safaa sabay hila ulit sa akin. Di ko naman napansin yung lalaking pababa ng kotse at nabangga ko iyon.
"Oopps!" Sabi ng lalaki at nahawakan ako sa bewang.
"Kuya Harry!" Masayang sigaw naman ni Safaa. Oo nga, si Harry Styles ang nakabungguan ko.
"Pasensya na, nagmamadali kasi tong si Safaa." Hingi ko ng paumanhin at inayos ang suot kong uniform.
Pagkatapos kasi ng klase namin ay kaagad kaming dumiretso dito sa mall para samahan si Safaa na manood sa 1D.
"It's okay miss." Nakangiting sabi nya sakin.
"Harry." Inilahad nya yung isang kamay nya sa akin.
"Heather." Tinanggap ko naman iyon.
"Kuya Harry, manonood kami sa inyo. Gusto ko sa unahan kami." Lambing dito ni Safaa habang nakanguso.
"Ow, it's my pleasure. Sige akong bahala sa inyo."
"Harry nga pala." Baling naman nito kay Hailey at nakipagkamay.
"Hailey. Pinsan ko si Heather." Nakangiting sabi naman ni Hailey.
"Woah! Daming chicks ah. Pengi namang isa." Napalingon kami sa likod ko at nakita namin doon ang ibang kagrupo ni Harry, kasama na nito ang mga security nila.
"Tara na Harry." Sabi nung isang security at hinarangan pa kami.
"Wait, kasama ko sila." Sabi ni Harry at hinawakan pa ako sa braso.
"Teka, kapatid ni Zayn yan ah." Turo ni Niall kay Safaa.
"Hello." Kinawayan sya ni Safaa.
"Pasamahan silang tatlo, dun mo sila paupuim sa unahan." Utos ni Harry sa isang guard nila.
"Lets go ladies." Sabi sa amin nung guard kaya sumunod kaming tatlo.
"Hay, buti na lang nakita natin si kuya Harry." Masayang sabi ni Safaa.
Nang makatating kami sa pupuntahan namin ay marami nang tao doon.
Kumuha naman nang tatlong upuan yung guard at inilagay iyon sa unahan.
"Thank you." Sabay-sabay naming sabi at umupo na.
Naghintay pa kami nang ilang minuto bago nag-umpisa ang performance ng 1D. Nakakalungkot lang dahil apat na lang sila ngayon.
Di naman nagtagal at sumasabay na ang mga tao sa pagkanta at halatang nag-eenjoy sila. Aminado ako na nag-eenjoy na rin ako.
Kumaway sa amin si Harry kaya kumaway pabalik sila Safaa at Hailey.
"Ay grabe, inisnob ako ni Heather." Sabi ni Harry sa mic kaya napanganga tuloy ako.
I didn't wave back kasi akala ko si Safaa yung kinakawayan nya.
"I'm sorry, kala ko si Safaa yung kinakawayan mo eh." Hinging paumanhin ko at bahagya pa akong natawa.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Monster II [Zayn Malik Fanfiction Story]
Fanfiction"I'm Zayn Malik. I have a picture of a woman that I've never met before. You know what's funny? I started to have feelings for her."