Chapter 66

11 5 0
                                    

Zayn

   Madilim pa ay nagising na ako dahil namamahay talaga ako. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil pagising-gising ako.

   Tatayo na sana ako kaso yumakap sa akin si Heather. Nag-angat naman sya ng tingin at nakitang gising na ako pero sumubsob din kaagad sa dibdib ko.

   "Aga mong nagising, dadhee?" Tamad nyang tanong.

   "Good morning." Bati ko sa kanya imbes na sagutin ko sya.

   "Morning too."

   Yumakap pa sya sa akin lalo. Wala naman na akong nagawa pa kundi suklay-suklayin na lang ang kanyang mahabang buhok.

   "Anong oras na, dadhee?" Tanong nya.

   Tinignan ko naman ang oras sa phone ko.

   "5am."

   Kumalas naman sya ng yakap sa akin at umupo sa kama. Hihilain ko sana sya kaso bigla syang tumayo at lumayo sa akin.

   "Why?" Taka kong tanong sa kanya.

   "Ikikiss mo na naman ako eh. Di pa ako nagtoothbrush."

   Natawa naman ako sa sinabi nya at bumangon na din sa kama. Kaagad namang tumakbo palayo sa akin si Heather at pumasok ng banyo. Ang cute talaga ng babaeng to.

   Hinintay ko na lang syang matapos gumamit ng banyo.

   Nang matapos sya ay ako naman sng pumasok. Pagkatapos ko ay nakita kong nakabukas na yung pintuan ng terrace kaya pumunta ako doon.

   Niyakap ko si Heather habang nakatalikod.

   "Gusto mong maglakad-lakad?" Alok ko sa kanya. Medyo lumiliwanag na rin naman kaya okay lang na maglakad-lakad kami sa labas.

   "Sige." Pagpayag nya.

   Nagsuot lang kami ng cardigan dahil malamig sa labas.

   Pagbaba namin ay busy na ang mga kasambahay ni granny at binati kaming dalawa ni Heather. Mukhang tulog na tulog pa ang ibang mga kasama namin.

   Paglabas namin ay sinalubong kami ng malamig na hangin kaya napayakap sa sarili nya si Heather.

   Dumaan kami ni Heather sa likod. Hinawakan ko naman sya sa kamay habang naglalakad kami.

   "Luh, bat tayo nandito?" Takang tanong nya dahil nasa kwadra kami ng mga kabayo.

   "We're gonna ride a horse." Sagot ko sa kanya.

   "Ayoko!" Kaagad na tanggi nya.

   "Malaki tong lugar kaya paniguradong mapapagod ka kung lalakarin natin to." Sabi ko sa kanya.

   "Ayoko nga! Mamaya mahulog ako. Isa pa, di ako marunong nyan." Nakasimangot na sabi nya.

   "Takot ka lang eh." I teased her sabay sundot sa tagiliran nya.

   "Heh!" Sabi nya lang sa akin.

   "Don't worry momhee, di naman kita ilalaglag." Assurance ko sa kanya.

   Namili ako ng kabayong gagamitin namin. Inilabas ko iyon ng kwadra.

   "Seryoso ka talaga dyan, dadhee?" Alanganing tanong ni Heather.

   "Yeah, akong bahala sayo." Kinindatan ko pa sya kaya. Ang bilin namang namula ng mga pisngi nya at umiwas sya ng tingin sa akin.

   "Dito ka muna." Inupo ko si Heather sa gilid para hindi sya mangalay sa kakatayo.

I'm In Love With A Monster II [Zayn Malik Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon