"Wala pa ba yung shuttle?" Tanong ni mommy sabay tingin sa wrist watch nya.
"Wala pa po." Si ate Doniya ang sumagot.
"Sabi kasi 8am nandito na sila, almost 10 na." Naiinip na si mommy dahil ang tagal at nakabihis na kaming lahat.
"Baka natraffic, hon." Sabi naman ni daddy.
"Akyat muna ako mom." Paalam ko. Sinulyapan ko naman sa bintana sila Heather at mukha naman silang masaya habang naglalaro ng spin the bottle.
Umakyat ako ng kwarto. Kinuha ko ang shaver ko at nagtrim ng balbas ko. Hindi ko masyadong sinagad iyon dahil nagmumukha akong school boy pag walang bigote.
Nang matapos ako ay isinara ko ang kurtina ng bintana saka ng terrace dahil nasisilaw ako sa araw. Humiga muna ako sandali sa kama dahil inaantok pa talaga ako. Inabot kasi kami ng madaling araw sa bar kanina.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Di ko alam kung nakatulog ba ako o hindi kasi napadilat na lang ako nang may bumagsak sa dibdib ko.
"Ugh!" Daing ko.
"What?" Tanong ko kay Heather. Iniyakap ko naman sa kanya ang isang braso ko.
"Bat nandito ka?" Nakanguso nyang tanong.
"Wala lang."
"Luh, nagshave ka?" Manghang-mangha na sabi nya.
"Kaurat, ang gwapo mo na naman lalo!" Inirapan nya ako. Napangiti naman ako sa kanya. Hinaplos-haplos ko ang mahaba nyang buhok.
Umusog naman sya pataas sa akin at hinalik-halikan ako sa mga labi.
"I love you dadhee." She said. Nakakaramdam ako ng kaligayahan kapag sinasabi nya yan sa akin.
"I love you even more, momhee." I replied.
Tumitig naman sya sakin habang nakangisi.
"What?"
"Nakakagutom pala maglambing."
"Patay tayo dyan!" Natatawang sabi ko.
"Uy, baba na daw tayo sabi nila tita." Dumating sila Hailey. Tumayo naman na kami na Heather at kinuha ko na yung mga gamit namin.
"Nabaliw na naman!" Sabi ko dahil bumitin din ang bruha sa leeg ko habang naglalakad kami palabas ng kwarto. Bumitaw lang sya nung bababa na kami ng hagdan.
"Aalis na po ba?" Tanong ni Heather nang makababa kami.
"Malapit na daw yung shuttle." Sagot ni mommy. Umupo muna ako sa sofa kaso biglang kumandong si Reyna.
"Ano na naman Reynante?"
"Uy! Bat binuo." Angal nya ng buuhin ko ang pangalan nya.
"Mamimiss kita baby. Matagal na naman kitang di makikita." Nagkunwari pa syang umiiyak. Sumubsob sya sa leeg ko at inamoy-amoy ako.