Heather
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Javadd kaya bumangon na ako at pumasok ng banyo para maggargle.
Nang matapos ako ay kaagad akong lumabas ng kwarto para hanapin yung garapata.
Nakarating na ako ng dining area pero wala akong garapatang nakita.
"Good morning guys." Bati ko sa mga kasama ko ngayon dito sa kusina. "Nasan po si Javadd?" Tanong ko kay daddy ng makaupo ako sa bakanteng upuan.
"Maagang umalis."
Napahinto naman ako sa pagkuha sana ng tinapay dahil sa isinagot ni daddy.
"Umalis po?"
"Yes nak, why?"
"Bat di man lang nagpaalam sakin?" Nakasimangot kong tanong.
"Bibili ata ng gifts, ate." Sabat naman ni Safaa.
"Ganto kaaga? Sarado pa mga malls ngayon."
"Baka may ibang dadaanan." Sabi naman ni daddy.
"Ibang dadaanan?! Wala naman po syang kilala dito dad, sinong dadaanan nya?" Yari ka talaga sakin mamaya Malik ka! Kumuha ako ng tinapay at nagsalin din ng kape sa tasa.
"Baka nanchicks." Kibit-balikat na sagot ni daddy.
"Nanchicks?!" Gigil kong sabi.
"Stop it hon, nagseselos na si Heather oh." Di ko alam kung concern si mommy o nang-aasar kasi nakangiti sya eh.
"Opo nga naman dad, di na nga sinama tapos nambabae pa si Zayn." Umiling-iling pa si ate Doniya.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang mga luha ko kaso di naman nakisama at napaiyak na ako. Ang lakas naman ng tawanan nila.
"Joke lang anak, wag ka na umiyak. Ang aga-aga." Niyakap pa ako ni daddy.
"Papansin kasi kayo!" Sabi ko habang nagpupunas ng luha.
"Kumain ka na dyan, bumili lang si Zayn ng gifts." Sabi ni mommy.
Kumain na lang ako ng tahimik. Naiinis talaga ako ngayon kaya di ko na lang pinansin ang pang-aasar nila sa akin.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto para maligo.
Saktong kalalabas ko lang ng banyo ay may kumatok sa pinto, si Safaa pala.
"Why, Saf?"
"Laro daw tayo nila ate ng domino." Nakangiti nyang sabi.
"Sige, susunod na lang ako." Pagpayag ko.
Tinuyo ko ng maigi yung buhok ko dahil giniginaw ako. Nakaheater naman ako nung naligo pero pagtapos ay naramdaman ko ang lamig kaya giniginaw ako ngayon. Nagsuot ako ng sweater at medyas dahil giniginaw talaga ako.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sa sala sila ate Doniya.
"Yan na si ate Heather." Sabi ni Waliyha. "Tara teh, laro na tayo."
Naglagay ako ng throw pillow sa sahig at dun ako umupo.
"Game!" Nakangiti kong sabi.
"Kung sino matalo, may dare." Sabi ni ate Doniya.
"Sige, sige!" Pagpayag naming lahat.
Dinidistribute na ni ate yung mga pieces ng domino.
"San nyo pala nakuha to?" Tukoy ko sa domino.

BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Monster II [Zayn Malik Fanfiction Story]
Fanfic"I'm Zayn Malik. I have a picture of a woman that I've never met before. You know what's funny? I started to have feelings for her."