Zayn
"Wait kuya Liam, retreat muna! Low ammo ako!" Boses iyon ni Heather. Pagpasok ko sa dressing room ay nakita kong busy silang lahat na naglalaro ng Call of Duty maliban kay Adelle na tahimik lang na nakaupo sa gilid habang tutok na tutok din sa sarili nyang phone.
"Heather!" Sita ko na naman sa kanya dahil nakahiga sya sa sofa habang nakapatong ang isang paa kay Louis. Kaagad naman syang bumangon at umiba ng pwesto. Nakahiga na sya ngayon kay Louis. Napailing na lang ako sa kakulitan nya na naman.
Tumabi naman ako kay Liam at nakinood. Bigla nya naman akong hinalikan sa pisngi.
"I love you, Zayn!" Pinaliit pa ni Liam yung boses nya.
"I love you too, Liam!" Pinaliit ko din yung boses ko.
"Mga baliw!" Puna samin ni Adelle.
"Pasukin mo Harry, back up kami!" Sabi ni Niall.
"Damang-dama." Bulong ko.
Inantay ko na lang silang matapos sa nilalaro nila.
"Wala kayong balak umuwi?" Tanong ko sa kanila.
"Meron naman, wait lang." Sagot ni Louis.
"Ay naku." Nasabi ko na lang at sumandal sa upuan.
"Shot tayo, Zayn. Wala naman tayong show bukas." Aya ni Harry.
"Sa bahay tayo." Sagot ko.
"Tara!" Sang-ayon naman ni Harry.
"Ikaw Adelle, sama ka?" Alok sa kanya ni Harry.
"Next time na lang guys, may lalakarin pa ako bukas." Tanggi ni Adelle.
"Hala tulog na si Heather." Mahinang sabi ni Louis. Pagtingin ko at tulog na nga ito habang nakahiga pa rin kay Louis.
"Tara, kunyari nag-aaway tayo!" Ngising-ngisi na sabi ni Liam. Pumayag naman kaming lahat.
Nag-umpisa na silang magsigawan pero parang wala lang iyon kay Heather.
"Tangna, ikaw nga sumigaw Zayn." Bulong sakin ni Harry kaya sumigaw naman ako na kunyari ay galit na galit.
Ang bilis naman bangon ni Heather. "Dadhee, bat sumisigaw ka?"
"Akala mo natutuwa pa ako sayo, Harry!" Sigaw ko pa rin.
"Guys, tama na." Kunyaring awat ni Adelle.
"Nag-aaway kayo? Bakit?" Tumayo na si Heather.
Bigla namang sinugod ni Niall si Louis at kunyari ay sinakal ito. Kaagad namang umawat si Heather.
"Kuya Niall! Wag naman ganyan. Mag-usap kayo ng maayos para magkaintindihan kayo. Wag nyo pairalin yang galit nyo."
"Kasalanan mo to!" Sigaw ni Harry sabay sugod sa akin. Di naman ako ready kaya bumagsak kaming dalawa sa sahig.
"Gago ka! Tinotoo mo." Bulong ko. Sumubsob naman sakin si Harry dahil di nya mapigil yung tawa nya.
"Javadd! Kuya Harry!" Kaagad kaming pinaghiwalay ni Heather.
"Kuya Liam, do something!" Baling nya kay Liam kaya sinakal ako ni Liam. Agad naman syang inawat ni Heather.
"Bobo ka din kuya Liam! Sabi ko do something, umawat, ganon! Hindi manakal! Ambubu!" Asar na sabi ni Heather. Yumuko naman ako dahil natatawa na talaga ako.
"Magalit ka Zayn, dali!" Bulong ni Harry sa tabi ko.
"Tangna, masakit yung sakal mo Liam! Tapos isa ka pa!" Tinulak ko si Harry kaso napalakas ata kaya napaupo sya sa sofa.
![](https://img.wattpad.com/cover/243125376-288-k623118.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Monster II [Zayn Malik Fanfiction Story]
Fanfic"I'm Zayn Malik. I have a picture of a woman that I've never met before. You know what's funny? I started to have feelings for her."