Zayn
"Matutulog ka na ba?" Tanong ko kay Heather.
"Hindi pa. Pakiangat nga ng konti yung dito sa uluhan ko." Pakisuyo nya sa akin.
"Okay." Sagot ko.
"Yan, tama na ba yang ganyan kataas?" Tanong ko.
"Oo, thank you."
Bumalik naman ako sa tabi nya at umupo. Kaagad naman syang yumakap sa akin kaya iniakbay ko yung isang braso ko sa kanya.
"Anong pinapanood mo?" Tanong nya.
"Storage Wars." Sagot ko.
"Pano yun?" Takang tanong nya.
"Bibilhin nila yung laman ng storage, it's like an auction. Kung sino ang may pinakamalaking offer sa kanya mapupunta yung lahat ng laman nyang storage." Sagot ko sabay turo sa truck na nasa tv.
"Ahh, tapos anong gagawin nila sa mga nabili nila?" Tanong nya na naman.
"Maghahanap sila nang mga pwedeng ibenta. Minsan nakakatyempo sila dyan nang mga antiques kaya mahal kapag naibenta na nila." Paliwanag ko ulit.
"Pano pag puro basura lang yung napunta sa kanila?"
"Edi sayang pera nila." Sagot ko.
"Hala! Pano yan, dalawa silang nakabili?" Gulat na tanong nya sabay turo sa tv.
"Manood ka na nga lang." Natatawang sabi ko sa kanya sabay kurot sa pisngi nya.
Nanood na lang kaming dalawa nang tahimik. Nang matapos ang pinapanood namin ay sumunod naman dito ang documentary tungkol mga naaksidente.
"Wait lang, mababanyo lang ako." Paalam ko sa kanya dahil naiihi na ako. Kumalas naman sya ng yakap sa akin.
Naghilamos ako ng mukha at nagtoothbrush na rin. Sakto paglabas ko ng banyo ay pumasok ang nurse, iba na ito. Kapalitan siguro ng nurse kanina.
"May towel dyan sa bag." Turo ni Heather sa bag kaya nilapitan ko iyon at kumuha ng towel para ipamunas sa mukha ko.
"Hi Zayn." Bati sa akin ng nurse.
"Hi too, good evening." Bati ko rin sa kanya.
"Zayn, tignan mo nangyari sa lalaki oh. Nabangga sya ng truck. Umikot yung katawan nung lalaki. Pero sya yung may kasalanan kasi overspeeding sya eh. Sakto biglang sumulpot yung truck, di sya nakapagpreno kaya ayun nabangga sya." Kwento nya sa akin. Sinulyapan ko naman yung nurse at nakita kong nagpipigil ito ng tawa habang nakatingin kay Heather.
"Sa Denver yan nangyari oh. Kakatakot. Pano kaya mababalik yung katawan nun sa normal. Buti na lang kamo at nabuhay sya." Parang batang kwento nya ulit.
"Ang daldal ng patient ko." Natatawang komento na ng nurse habang nagpapalit ng dextrose nya dahil ubos na pala iyon. Napatikom naman kaagad ng bibig si Heather sabay ngiti.
"Ganyan po talaga yan. Parang lalagnatin yan kapag hindi nakapagdaldal ng buong araw." Sagot ko naman.
"Grabe ka naman sakin." Inirapan nya pa ako.
"Bakit, totoo naman ah." Tinaasan ko pa sya ng kilay.
"Matulog ka na." Biro pa ng nurse kay Heather bago umalis.
"Matulog ka na daw." Sabi ko rin sa kanya.
"Di pa nga ako inaantok eh." Tanggi nya naman.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Monster II [Zayn Malik Fanfiction Story]
Fanfiction"I'm Zayn Malik. I have a picture of a woman that I've never met before. You know what's funny? I started to have feelings for her."