Chapter 72

23 9 0
                                        

Zayn

   I gritted my teeth while watching Lizel being interviewed by the talk show host. Pure lies, yan ang masasabi ko dahil puro kasinungalingan na naman ang kanyang mga sinasabi. Napakagreedy talaga ng babaeng to when it comes to money. Tingin nya talaga sa amin ay isang investment at obligadong magtrabaho para sa kanya.

   Napalingon naman ako ng biglang namatay yung tv.

   "Why?" Tanong ko kay Heather.

   "Ang sama na naman kasi ng mukha mo." Nakangiting sabi nya sakin. Tumabi din sya ng upo sa akin.

   "Akina yung kamay mo." Sabi nya kaya inabot ko sa kanya yung kamay ko. May hawak pala syang nail cutter at inumpisahan nang gupitan ang mga kuko ko. Hindi pa naman iyon ganon kahaba pero knowing Heather, ayaw na ayaw nya talaga ng mahabang kuko.

   Wala sa loob na napatitig ako sa kanya habang ginugupitan ang mga kuko ko. Ang ganda nya talaga, sobrang swerte ko talaga at napunta sya sakin. Sa kanya ko lang nararanasan yung mga gantong pag-aalaga sa akin.

   "Yung isa." Sabi nya kaya inabot ko naman sa kanya yung kabilang kamay ko.

   "Paa." Sabi nys ulit nang matapos sa mga kamay ko. Hinubad ko naman yung suot kong slippers at inabot sa kanya yung isang paa ko.

   "Bat may galos ka, dadhee?" Kunot-noong tanong nya sa akin habang timuturo yung galos sa paa ko.

   "I don't know." Sagot ko.

   "Huh, katawan mo tapos di mo alam kung anong nangyari dyan?" Tinaasan nya pa ako ng kilay.

   "Sa hindi ko nga alam." Totoong sabi ko dahil di ko talaga alan kung saan ko nakuha iyon.

   "Tagal mo nang tao sa mundo napakatanga mo pa rin." Sabi nya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

   "Bunganga mo na naman ah." Pagalit ko sa kanya pero inirapan nya lang ako.

   "Akina yung isa!"

   "F*ck!" Mura ko dahil ibinagsak nya yung paa ko kaya bumagsak yung sakong ko sa tiles. Tawa naman nang tawa ang bruha.

   "Sareh! Dumulas."

   ""Dumulas talaga? Sinadya mo kaya." Sabi ko sabay abot sa kanya ng isang paa ko.

   "Dumulas nga!" Giit nya.

   "Ewan ko sayo. Inatake ka na naman ng pagkasalbahe mo." Napapailing na lang ako sa kanya.

   "Knock! Knock!"

   Napalingon kami ni Heather sa bukas na pinto ng kwarto ko. Nakatayo doon si ate Doniya.

   "Zayn, gawin mo nga yung graham. Andun na yung mga recipe, bumili na kami ni Iyha." Utos sakin ni ate.

   "Ayos ate ah, kayo bumili tapos ako gagawa?"

   "Sige na, di ako marunong eh." Ngumisi pa si ate. "Saka nagcacrave kasi ako dun."

   "Hay naku." Tumayo na ako dahil wala naman akong magagawa kundi gawin iyon dahil di ako titigilan ni ate tungkol don.

   "Thank you, Zayn." Yun lang at umalis na kaagad si ate.

   "Let's go freak, tulungan mo ko." Baling ko kay Heather.

   "Wait lang, walisan ko lang yung mga kuko mo." Sagot nya at kinuha yung walis at dustpan.

   "Tara." Ngiting-ngiti nyang sabi at hinawakan pa ako sa kamay.

   "Gusto ko din yun dadhee eh, yung graham."

   "Lahat naman gusto mo." Pinisil ko pa yung ilong nya.

I'm In Love With A Monster II [Zayn Malik Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon