CHAPTER 2: The start of something new

520 14 1
                                    

Chapter 2 #TLV

Yung araw na yon, dumating nga ang pamilyang mag-aampon. Kitang kita ko sa kinatatayuan ko na may kasama silang bata na nakasuot ng kulay red na dress.

Kaidad ko lang din ata eh hahahaha! Pero kung mag heels naman tong si ateng wagas, para 5 inches ata to eh, naku naman ang arte pa maglakad kumekembot. Alam na alam ko na pinapahiwatig nya ang autoridad sa paglakad niya.

Nakakatawa lang dahil sobrang laki ng heels nya hahahahaha! Natatawa talaga ako. Hinahawakan ko tiyan ko at pinunasan ang luhang nagbabadyang lumabas dahil sa tawa ko.

"EXCUSE ME?" sabi ng bata.

"Hahaha! Hi. ang laki naman yata ng sandals mo miss, parang pang 20 yrs old na size ata yan eh, Hahaha! Baka matalisod ka niyan sge ka!" Sabi ko sabay tawa ng tawa.

Siniko ako ni Liza. "shet. anak yan ng tagapagmana. tumahimik ka alexandria dizon!" pabulong na sabi nya sa aking tabi.

I dont care. tanga tanga kasi, ng bata bata nag he-heels na.

"Prom mo ba ngayon miss?" tanong ko.

"Hindi. bakit? ingit ka? Loser!" Sabay belat nya saakin.

"Hindi noh. Hah! Para ka kasing pupunta sa prom kung dito lang naman punta mo, overdressed ka ata. Mas matindi, nag makeup ka pa!"

"Ingitera ka din n..." bago pa niya matapos ang sasabihin nya, pinutol na sya agad ng lalaking nasa likod nya "Hahahahahaha! You're cute uhmm.. Alexandria?" sabay tingin sa name tag ko kaya tumango ako. "Know what? I like you. May tamang pananaw ka sa buhay. I also think my daughter is so overdressed." inirapan sya ng anak nya pala. at sumigaw ito. tssss "Auurgh! Dad! You're just like her! I hate you both!".

Her dad smiled at me. It was comforting.

Gusto ko na atang amponin nila. Iba yung feeling pag ngumiti si sir eh.

At nakaka-challenge yung bata!

"Mr. Valdimir, ipapakilala ko ho kayo sa kanilang lahat" Sabi ng aming tagapamahala. Tumango si sir. Halatang masaya sya at gusto talaga atang mag-ampon. Inilibot nya kaming lahat at nakipag usap sa isa isa sa amin. Naaliw din sya kay Liza dahil sobrang masiyahin ito. Marami syang tawa na inilabas sa pagsuri sa aming lahat. Nagugustuhan nya atang lahat at parang kung pwede lang kukunin na niya kaming lahat eh. Nung papalakad na sya saakin "Its you again, I like you to be my daughter. Parang magiging organized yung bahay namin pag andun ka. You have a different and mature way of looking at things. Which reminds me of someone" Ngumiti sya at humarap sa tagapamahala, "I think I just chose someone" bumungisngis ang tagapamahala. "talaga ho sir? Salamat ho! salamat ho! Nakakaawa mga bata dito eh. Sino ho yung isasama nyo?".

Tumabi si sir sa akin at alam ko na kaagad ang ibig nyang sabihin ng higitin nya yung kamay ko at itinaas sabay sabing "Alexandria rocks! I like to call you Xandria, o di kaya, Alex? Or Andria?" Grabe yung ngiti ni sir nakakahawa. "Kahit ano sir. Okay lang kahit ano."

Naguguluhan ang mukha nya. "Sir? Call me dad right now xandy."

For the first time, may tatawagin na akong

"Dad". 

Nagpaalam na kami sa lahat. Naluluha akong iwang silang lahat. yung nga katulad kong ulila, mga kaibigan ko, pamilya ko! Si Aleng sisa. Naluluha na ako. Kaya niyakap ko silang lahat at pinangakong babalik at tutuparin ang dapat naming gawin.

Huhut-hutan ko ng pera si Sir Vlad. It takes time pero alam kong magagawa ko. Kailangan kong isalba yung ampunan bago kunin ng Gobyerno. Alam ko sa sarili ko na mali, pero mali pa rin ba kapag ang gagawin mo ay para sa ikabubuti ng lahat? kahit ikaw ang mapasama?

We started walking patungo sa sasakyan nila at pagkakita ng bata sa akin ay agad na namutla sya at sumigaw ng nakakagigil. Halatang nagalit sa pagsulpot ko sa buhay nila.

Isa lang ang nasa isip ko "CHALLENGE".

Parang mgkaka-adventure ata sa buhay ko ngayon eh. Hahaha!

Hahaha! Comment naman please? Hindi ko tuloy alam kung may naka-appreciate ng story ko. Please? Voteeeee! please? :)*

THE LAST VIRGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon