Finn's POV
Sabi ni Teacher, pag-uusapan na daw namin yung performance namin ngayon. Ediwowww sirrrr...
"What if kumanta nalang tayo?", bigla ay sabi ni Canary, na siyang partner ko. Salamat naman at kanta ang napili niya, well, hindi sa ipinagmamayabang ha pero, marunong akong kumanta, at hindi sa pagsasayaw.
"Okay, No problem", tugon ko.
Nagsusulat-sulat naman siya sa paper niya.
Humawak siya sa noo niya na parang nag-iisip.
"Alam mo bang tumugtog ng Piano?", agad ay sabi niya.
"What? Hindi--
" How about, Violin? Kaya mo?", sabi na naman niya.
" Hindi---
"Eh Guitar?", sabi niya na siyang nagpangiti sa akin.
"Oo naman, bakit?", agad ay saad ko.
"Eh iyon yung gusto kong hawakan na instrument eh, pero okay lang, sa Piano nalang ako at sa Guitar ka naman", tugon niya na ikinagulat ko.
Marunong ka palang tumugtog ng instruments? Wow, interesting! Mas lalo kitang nagugustuhan....
"Ano palang kakantahin natin?", inosenteng tanong niya.
"Ikaw",I shrugged my shoulders
"Ikaw by Yeng?", lumaki ang mga mata niya.
Slow......
"I mean, ikaw kung anong gusto mo----
" Ikaw",agad ay sabi niya na ikinagulat ko, "I mean ikaw ah kung anong gusto mo", pagbabawi niya sa sinabi niya.
"Gusto ko yung ano,brown eyes, hehe", sabi ko sa kanya.
"Gusto ko rin yun pero, hindi na ako mag pi-piano, mag-gitara ka nalang tas ako nalang yung kumanta, if gusto mo", aniya.
"Gusto ko rin kumanta eh", sabi ko sa kanya, loko lang sana yun pero sinangayunan niya.
"Sige, hehe", tugon niya na nakatingin sa iba pa naming classmates na nag-uusap-usap rin.
"Bukas, magdadala ako ng Guitar", sabi ko sa kanya, at tumango naman siya bilang tugon.
"remember the first day, when I saw your face, remember the first day when you smiled at me, you stepped to me and then you said to me, I was the woman you dreamed about~~~", pagkanta niya sa unang stanza ng kanta, napatitig naman ako sa kanya, at parang may sariling buhay ang mga mata ko na ayaw umalis sa pagkakatitig sa kanya.
Grabe ang ganda ng boses niya.....
" Anong gagawin niyo bhe? ", biglang sumulpot si Raffy at Sandra sa harapan namin.
"Ewan", Canary shrugged her shoulders.
Pagkatapos naming mag-usap-usap with our partners, pinabalik na kame sa loob ng room,bigla namang nagtanong yung Lec. namin kung ano ang kanya-kanya naming gagawin. Sasayaw po, iyan ang isinagot ni Canary, kahit na hindi naman 'yon ang gagawin namin. Aishhhh.....
"Okay, So, that's for today, bukas mag practice na kayo because the day after tomorrow, you will going to present us your performances, is that clear guys?", Seryosong ani Sir...
"Yes sir", tipid naming sagot.
Pagkatapos ng class, dumiretso akong Barnard hotel, ang pinakamalaking hotel at pinakamahal na hotel dito sa Pinas. Pumunta ako dito dahil nakatanggap ako ng text mula sa kaibigan kong si Rassyah, Actually hindi ko pala siya kaibigan, kaibigan siya nung ex kong si liyah.

BINABASA MO ANG
The Unexpected
Misteri / ThrillerNaranasan mo na bang mapahiya sa harapan Ng maraming Tao? Pinagtatawanan? Hinuhusgahan? Tinataponan Ng basura sa katawan? At ang malala ay paglinisin Ng inidoro? Ni hindi manlang Nila tinatanong ang tunay mong pagka Tao? Kung sino ka at kung anong m...