Kabanata 9

11K 243 11
                                    

Tama bang pagdudahan ko si Jacob? Baka hindi siya iyon, at kamukha lang? Kilala ko si Jacob, hindi niya ugaling magsinungaling.

O baka hindi ko pa siya ganun ka kilala?

Napabuntong-hininga ako.

Sa lahat ng pagkakakilala ko kay Jacob, siya’y sweet at mabait. Hindi niya rin nagagawang magsinungaling sakin; he’s been honest ever since we started dating. Pinipilit kong alisin ang ideya na hindi siya si Jacob, dahil alam kong kung merong may kasalanan man sa aming dalawa, ako iyon. Ako ang dapat mag-sorry, hindi siya.

Nasa kwarto na ako, katatapos lang naming mag-video call ni Jacob.

Kakatapos ko lang maligo nang biglang mag-ring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng side table. Pinaikot ko muna ang tuwalya sa ulo ko bago pumunta sa phone na patuloy na nagra-ring.

Nakita kong si Jacob ang tumatawag. Agad ko naman itong kinuha.

Agad kong naisip ang nakita ko kahapon pagkakita ko sa pangalan niya.

I should ask him!

Kinuha ko ang cellphone at itinapat sa tenga ko. Agad ko ring narinig ang boses ni Jacob.

“Hello, love! Kumain ka na?” Masiglang bati ni Jacob. Nakagat ko ang labi ko, dahil kahit anong pilit ko na hindi siya si Jacob, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip.

“Uhm... Yes, ikaw?” Nakagat ko lalo ang labi ko nang mautal. Act natural, Idalia!

Balak kong libangin muna siya bago itanong kung may iba siyang ginugol na oras.

“Oo, katatapos lang.”

“Mabuti kung ganon,” sagot ko.

“Pwede ba tayo mag-video call? Ang tagal na rin simula noong huling video call natin.” Dagdag ko.

Naghintay ako ng ilang segundo nang hindi ko narinig ang sagot niya. Tiningnan ko ang tawag, naka-on pa naman. What happened to him?

“L-love? Nandiyan ka pa? Okay ka lang ba?” Tanong ko, sunod-sunod.

Dito na ako nagduda.

“I-I'm still here, love. May inayos lang ako saglit. Sure, we can vc.” Maya-maya’y sabi ni Jacob.

Pinatay na ni Jacob ang tawag, at bumungad sa screen ko ang video call na agad ko nang inaccept, kahit medyo kinakabahan ako. What if makumpirma ko ngang si Jacob 'yon?

Bumungad sakin ang puting ceiling. Inayos ni Jacob ang phone at inilagay sa isang tabi bago naupo sa sofa.

Nakangiti siya, pero nangunot ang noo ko.

Hindi ganito ang ayos ng buhok ni Jacob kanina. Itim 'yon, pero ngayon, blonde na. Ang natural hair color ni Jacob ay black, gaya ng nakita ko kanina.

May bangs siya, straight ang buhok na hanggang taas ng tenga at palaging inaayos. Pero ngayon, clean-cut siya, parang si Professor Montanier.

Hindi ko alam ito. Hindi man lang ako sinabihan.

“Do you like my new haircut, love?” Tanong ni Jacob, nakangiti. May bahagi saakin na namimiss ko siya, pero hindi na katulad dati.

Singkit ang mata ni Jacob na nawawala kapag siya’y ngumiti. Masyadong halata ang dugong Koreano sa kanya.

“Y-yeah, I-I like it. Bagay sa'yo,” sagot ko, kahit nahirapan pa magsalita ng natural.

Imbes na ngumiti, nangunot ang noo ni Jacob.

“Why aren't you smiling? You don't miss me? Hindi mo alam kung gaano ako nangungulila sayo. Miss na miss na kita, Idalia,” malungkot na sabi ni Jacob.

Falling for Mr. MontanierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon