Lahat ng naging karelasyon ko ay namamatay. Iyon ang nagtulak sa akin na umiwas nang magmahal subalit nang dumating sa buhay ko si Marcus ay biglang nagbago ang lahat. Nilabanan ko ang pinaniniwalaang kong sumpa masunod lamang ang itinitibok ng aking puso. Kaya ko bang ilagay sa alanganin ang buhay ng lalaking labis kong minahal? Ako si Aki. Ito ang aking kwento.