Hey, I Love You! is under revision. Please bear with the characters' names being changed and some parts of the story's revised. PS. I've only revised the first few chaps of the story. Naaalala mo ba kung paano tayo unang nagkakilala? Sa school yon, first day of school. Kinatok-katok mo yung salamin ng kotse ko. Nagsigawan tayo non. Muntik na nga kita sagasaan. Ang galing lang eh. Inis na inis ako sayo. Pero magkaklase pala tayo. Seatmate pa nga di'ba? Naalala mo ba? Nung ilang pilit mo ako kinulit non about sa ex ko? Nasaktan pa nga kita non. Pero sa huli nalaman ko din ang totoo. Eh yung nung inalagaan mo kita? Kahit inis na inis ako sayo kase ang kulit-kulit mo nung may sakit. Pero hindi pa rin kita iniwan. Nung nawala ang lahat sa sa iyo, nandoon ako, ako yung lumaban, ako yung hindi sumuko. Ganun din ang ginawa mo. Nandyan ka lagi para sa akin. Ipinaglaban mo ako. Hindi mo ako sinukuan. Ginawa mo ang lahat. Pero bakit ganon? Ang unfair ng mundo. Bakit ikaw pa? Bakit ako?