Isang pagsubok ngang maituturing para sa isang mula sa lower section na si Yoseff Adrian Muñoz na makapasok sa The Graphophiles' Joint--ang literary school organization ng kanilang paaralan na ang membership ay binibigyang priyoridad lamang sa mga estudyante mula sa Star section. Waring pagpasok sa butas ng karayom ang oportunidad na ito para sa mga katulad niya. Ngunit sa tulong ng pagsisikap, sa tinataglay na literary skills (na mayro'n naman kahit papaano) at katiting na kismet ay unti-unti na niya itong naaabot. Pero hindi pa rito nagtatapos ang lahat, marami pa siyang kakaining bigas. There are more things to come, ika nga. Subaybayan ang writing adventures ni Yoseff sa pagpasok sa mundo ng Campus Journalism, sa pagkakalugmok, pagbangon muli, at pati na sa pagtupad ng kaniyang HashtagLifeGoals. [Volume One- Self-Published]
18 parts