Labag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya makukuha ang pera sa trust fund niya kapag hindi siya agad bumalik ng Pilipinas. Kailangan pa naman niya ang pera na 'yon para sa matagal na niyang pinaplano na pagtatayo ng sarili niyang business. Kaya naman sa bandang huli ay wala na rin siyang nagawa kundi umuwi. And imagine her surprise nang sa pagbabalik niya ay bigla na lang ibinigay ng Lolo niya sa kanya ang pamamahala ng football club na itinayo nito. Telling her na kung hindi niya pamamahalaan 'yon ay hindi na niya makukuha ang pera sa trust fund niya. What choice does she have? So she reluctantly agreed kahit pa nga wala naman siyang kaalam-alam sa naturang laro. Okay na sana ang lahat. That was until she met the the club's coach, Devlin Mendoza. Ito na yata ang pinakanakakainis na lalaking nakilala niya. Una pa lang nilang pagkikita ay tahasan na agad nitong ipinakita ang pagkadisgusto sa kanya. He immediately labeled her as a dumb blond na ang kaya lang gawin ay gumasta ng pera. Dapat ay magalit siya dito, pero habang tumatagal at mas nakikilala niya ito, natagpuan na lamang niya ang sarili na lagi itong sinusundan-sundan ng tingin. Although he's the most annoying and most insufferable man she had met, she still found herself unexplicably falling for him. Pero hindi pa man niya nasasabi ang nararamdaman dito ay saka naman biglang nanganib ang buhay niya.