Year Published: 2011 Tampulan ng tukso sa eskuwelahang pinapasukan si Aya dahil sa makalumang pananamit niya. Hindi na lang niya pinapansin iyon kahit pinagtatawanan siya ng ibang mga estudyante. Sanay na siya roon. Ngunit nang minsang pag-trip-an siya ng isa sa mga kaklase niya, sinaklolohan siya ni Jethro Samaniego--ang campus heartthrob at pinakapopular na estudyante sa kanilang eskuwelahan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makipagkaibigan ito sa kanya. Binigyan nito ng kulay ang mundo niya. At pigilan man niya, hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito. Pero ano ba ang laban ng isang tulad niya sa nobya nito na ubod ng ganda? May patutunguhan ba ang damdamin niya para sa binata?
10 parts