"See?" pagbibiro niya kay Nico nang makatayo. Nagsalubong ang mga kilay nito. "I'm really sorry, Lara," anito uli sa babae. Hindi na pinansin ng binata ang pagsama ng mukha nito. Hinawakan na lamang siya nito sa braso at hinila palabas. "Ano ba?" pigil na reklamo niya habang pilit ang pagsunod kay Nico sa parking space. She was frantic. He was almost dragging her away. "Nasasaktan na ako, Nico. Please, let go." Subalit tila hindi siya narinig ng binata.