Dalagita pa lang si Janna ay may gusto na siya kay Trent. Kontento na siyang lihim itong ibigin at pagmasdan sa malayo ngunit dahil sa kalokohang ginawa ng mga kapatid nila ay nauwi sila sa hindi inaasahang kasalan. Masaya dapat si Janna dahil sa wakas mapapalapit na siya sa binata ngunit imbes na pagmamahal, pagkamuhi ang kanyang natanggap mula rito. Dahil para kay Trent, si Janna ang malaking hadlang upang makamit nito ang kaligayahan sa piling ng babaeng tunay na minamahal. Paano niya ito mapapaibig? Patuloy niya ba itong itatali sa isang relasyong pilit o hahaya niya itong lumaya? Date started: April, 2018 Date Finished: July 29, 2018