"Tell you what, Shelby, kapag nag-mature ka na. Maybe, kapag eighteen ka na at ako pa rin ang crush mo, ibibigay ko sa iyo ang first kiss na hinihiling mo." ***** Marcus Sandoval was her big crush during her teens. Fifteen si Shelby nang matanggap ni Marcus ang isang Valentine card na hindi niya ipinadala subalit ang nakasulat ay ang totoong laman ng puso niya: she wanted Marcus to be her valentine and first kiss. Nasunod ang unang kahilingan niya. Marcus gave her the experience of first date. Subalit hindi siya nito pinatulan upang maranasan ang isang halik. Ang pangako nito: someday. Iyon ay kapag hindi na siya ganoon kabata o kaya ay kapag tumuntong na siya sa disiotso. At sa kondisyon na si Marcus pa rin ang crush niya. Subalit pagkatapos nang gabing iyon ay bumilang ng mahabang taon bago sila muling nagkita. At bagaman natanto niya na si Marcus ay nanatili pa ring espesyal sa kanyang puso, hinding-hindi naman niya magagawang ipaalala dito na mayroon pa siyang isang kahilingan na hindi nito napagbibigyan. Because was now engaged to be married to someone else. Pero bakit buhat nang muli niya itong makita ay siya mismo ang hindi mapakali?