Kim and Aki used to be a perfect couple. Five years later, nabura na si Kim sa bokabularyo ni Aki. Bakit hindi? Iniwan ito ni Kim sa mga panahong kailangan siya nito. Pero hindi pa huli ang lahat para ibalik ang nakaraan nila. Kim was determined to win him back. Kesehodang magmakaawa siyang bumalik ito sa kanya ay gagawin niya. Kaya lang ay mayroon siyang mas malaking problema: Aki was now an international superstar at siya ay isa na lamang sa mga libu-libong tagahanga nito. Saan na siya ngayon lulugar sa buhay nito?