KAPITBAHAY "Amber... Chikinini," pigil ko sa kanya pero mali ata pagkakaintindi nito. Mas diniinan pa nito ang paghalik at sinipsip ang leeg ko. Fuck! Ang slow naman ng babaeng ito. Ah oo nga pala, medyo may problema si Amber pagdating sa comprehension skills nito. Nagbukas ako ng mga mata at akmang pipigilan ito nang matigilan ako sa kung sino man ang nagiging audience namin ngayon. Nanlaki ang mga mata ko. Biglang parang nag-ice bucket challenge ang diwa ko at nawala ang lahat ng pagnanasa ko sa katawan. Amor?! Ha! Sya nga! Bumalik sya! Nagtitigan kami ng ilang segundo. Hindi ko mabasa ang expression sa mukha nito basta nagtitigan lang kami. Wow! Sya nga! Ang ganda-ganda nya pa rin! Hindi ako makapagsalita, hindi rin ako makagalaw. Nakalimutan kong nasa harapan ko pala si Amber at binibigyan ako ng full-blown lick at kiss sa leeg. Ngunit si Amor lang ang nakikita ko sa oras na yun. Palagay ko nga ang lahat ng tao sa paligid ay hindi nag-e-exist at kami lang dalawa ang naroon. Tapos biglang may dumaan na damuho sa gitna namin at bigla itong nawala. No! Sigaw ng utak ko. And just like that, she disappeared. Again. ~*~ WARNING: A gxg story. Please don't read if 'di nyo type yung genre baka you'll end up bashing, ayoko po ng ganun. Thanks! Muah! ^_^ Copyright 2014. All Rights Reserved.
21 parts