Sa murang edad, nakasaksi ako ng isang madugong krimen. Hindi basta bastang krimen ang nakita ko sapagkat iyon ay ang pagpatay nila sa aking ina. Ang aking inang nagmakaawa at lumuhod sa harapan nilang huwag siyang patayin ngunit nagmistulan silang bulag at pipi. Ako ang habol ng mga lalaking nakaitim nuong gabing iyon, ako ang nais nilang kunin at marahil ay patayin narin. Pero itinago ako ni mama sa isang cabinet upang hindi sila magtagumpaysa masamang balak nila sa akin. Ang lalaking pumatay sa aking ina ay di nalalayo sa aking edad, mukha ngang magkasing edad pa kami. Nanatili ako sa cabinet at nagtago dahil natakot ako sa maaari nilang gawin sa akin. Ngunit napatigil ako sa aking paghinga nang lumapit sa cabinet ang binatang bumaril sa aking ina. "Lumabas ka na lamang kapag nakaalis na kami." Iyon ang sinambit niya sa akin bago siya tumayo at lumabas ng aking kwarto. Alam niyang naroon ako? Alam niyang simula't sapul ay nakatago ako duon? Pero bakit hindi niya ako binuking? Dapat ba akong magpasalamat dahil iniligtas niya ako? pero siya rin ang pumatay sa aking ina.