[Formerly 'With All My Hate and Maybes'] Puno ng poot ang puso ni Bruce Caswell. Hindi siya naging batch valedictorian. Dismayado ang mga magulang niya. At ngayong tapos na siya sa kolehiyo, saka naman sumikip ang mundo para sa kanya at sa dalawang taong labis niyang kinamumuhian. Si Caleb Mancini. Ang lalakeng pinaniniwalaan niyang umagaw ng apat na taon din niyang inasam na pinakamataas na karangalan sa kanilang unibersidad. At si Matthew Aguilera. Ang playboy na gustong magpaka-goodboy na nagbabalik para kunin ang loob niya sa kabila ng hindi nila magandang nakaraan. Galit siya sa mga ito. Galit si Bruce sa mundo. Maraming bagay ang gumugulo sa puso at isipan niya. Mga bagay na hindi siya sigurado. Bakit kailangang mapalapit siya sa dalawang lalakeng kinamumuhian niya? Bakit kailangang makaramdam siya ng kakaiba sa tuwing kasama ang mga ito? Bakit? Siguro ay kasalanan niya? Siguro ay tadhana? Siguro. Siguro nga. All Bruce wanted was to be happy. Maging proud ang mga magulang sa kanya. Find that love that was meant for him. Ngunit paano kung mahanap na niya? Could he handle that love...with all his hate and maybes? Hate and Maybes Written by TheGoodBoySide Date Started Drafting: November 1, 2023 Date Started Updating: November 6, 2023 Date Finished: November 16, 2023